Connect with us

Viral

Isang loyal na aso, hindi pumayag na iwanan ang kaniyang among babae sa ospital matapos niyang iligtas ang buhay nito!

Published

on

Noon pa man, palagi na nating naririnig na talagang “loyal” ang isa sa pambihirang katangian ng mga aso. Marami na sa atin ang nakasaksi kung gaano magmahal at magprotekta ang mga hayop na ito lalo na sa kanilang pamilya at mga amo.

Kamakailan lamang ay marami ang namangha sa isang “service dog” na ito na hindi iniwanan ang kaniyang among babae sa ospital. Matagal nang nakakaranas ng “anxiety” si Shauna Darcy.

At dahil na rin sa mga pag-aaral patungkol sa mga benepisyo o kabutihang dulot ng mga aso para sa mga taong nakakaranas ng ganitong klase ng karamdaman ay nagdesisyon siyang magkaroon ng isang aso. Si Ruby ang kaniyang service dog na talaga namang napakabibo at napakatalino.

Hindi namalayan ni Shaun na nagkaroon siya ng isang mabuting kaibigan sa kaniyang alagang aso na si Ruby.

“While she was training to be a service dog I noticed that she started picking up on changes in my heart rate and would act funny,” Pagkukwento ni Shauna.


“For example, paw at me, try to get my attention, get on top of me [and other stuff like that].” Dagdag pa niya.

Palaging nakasubaybay at nakagabay si Ruby sa kaniyang kaibigan na si Shauna. Ilan sa mga daily routines nilang dalawa ay ang pagmomonitor ng blood pressure at heart rate ni Shauna lalo na at mayroon din siyang “vascular Ehlers-Danlos syndrome”.

Maging sa mga panic attacks ni Shauna ay hindi siya iniiwanan ni Ruby.

“When I pass out she gets on top of me and applies all her pressure on me and licks my hands and face until I come around.” Pahayag ni Shauna.

Isang araw ay hindi inaasahan ni Shauna na may nangyayari na pala sa kaniyang puso na tanging si Ruby lamang ang nakaramdam. Dahil dito ay agad siyang tumawag ng ambulansiya at nalaman niyang nakakaranas na pala siya ng “atrial fibrillation”.

Dahil kay Ruby ay nakaligtas sa kapahamakan si Shauna.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.