Connect with us

Viral

Isang lalaking hindi pumunta sa kasal, nagligtas pala ng isang aso mula sa umaapaw na ilog?

Published

on

Ang pag-aalaga ng hayop o mga pets sa panahon natin ngayon ay talaga namang isang mabigat na responsibilidad, kailangan mo din kasing maglaan ng oras at panahon para sa pag-aalaga ng mga hayop na ito. Kinakailangan na mabigyan mo rin sila ng atensyon at pagmamahal na para na ring bahagi ng iyong pamilya.

Kamakailan lamang, marami ang nagulat sa video na ito kung saan makikita ang isang lalaki na nagligtas sa isang aso na muntikan nang masawi dahil sa rumaragasang ilog! Makikita sa naturang video kung paanong hinubad ng lalaki ang kaniyang suot na suit upang tulungan ang aso na nasa bingit ng panganib.

Pilit niyang inaabot ang aso dahil kaunting panahon na lamang ay talagang matatangay na ito nang umaapaw na ilog. Dahan dahan na kinukuha ng lalaki ang loob ng aso upang mahawakan niya ito at maitaas palayo sa rumaragasang tubig.

Ilang minuto pa ang lumipas ngunit talagang nahihirapan ang lalaking kuhanin ang aso gamit lamang ang isa niyang kamay. Kailangan niya rin kasing humawak at siguraduhing hindi siya malalaglag at matatangay ng tubig.

Maya-maya pa ay mayroong isang lalaki na lumapit sa lalaki at sa aso at tinulungan sila. Sa wakas ay nagtagumpay din silang iligtas ang aso mula sa matinding kapahamakan.

Ayon sa ilang mga nauna nang ulat, ang lalaki pala ay dapat na pupunta sa kasal ngunit hindi na niya ito nagawa dahil sa nakita niya ang kawawang aso na nasa bingit ng panganib. Kung hindi dumating ang dalawang lalaki na ito ay tiyak na wala nang buhay ang aso.


Magiging napakahirap para sa kaniya ang makaalis pa sa kaniyang kinaroroonan. Tunay ngang marami pa rin talagang mabubuting tao ngayon na hindi lamang kapwa nila tao ang kanilang tinutulungan kundi maging ang mga hayop na talagang nangangailangan ng kanilang tulong.

Tiyak na mas marami pa ang mga taong magnanais na tumulong sa iba dahil sa kabayanihan na ito na nasaksihan natin sa naturang video.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.