Connect with us

Viral

Isang lalaking pulubi, tinulungan ang kawawang aso na ito na itinapon na lamang basta sa tabing kalsada!

Published

on

Marahil madalas na nating marinig ang mga katagang “Kung sino pa ang walang-wala ay siya pang tutulong at magbibigay sa iyo.” Laking gulat ni Angel Janes nang minsan siyang madaan sa Salt Lake City ay mayroon siyang nakitang lalaking pulubi na namamalimos ng pera o di kaya naman ay naghahanap ng trabaho.

Ninais niyang magbigay sa naturang lalaki kung kaya naman hinituan niya ito at nagbigay siya ng kung anong mayroon siya ng mga oras na iyon – sigarilyo. Nang bahagyang makalapit siya sa lalaki ay nagulat siyang makita na mayroon pala itong kalong-kalong na tuta.

Maya maya pa ay tinanong niya ang lalaki na nakilala niya sa pangalang Ron tungkol sa tuta na hawak nito. Ayon kay Ron ay nakita raw niya ang isang babae na nagtapon ng isang tuta sa kalsada kung kaya naman nang makaalis ito ay agad niya itong kinuha at tinulungan dahil sa pangambang mapahamak ito dahil sa dami ng mga sasakyan na dumaraan sa lugar.

Talaga namang naantig siya sa sinabing ito ng lalaki. Nais lamang daw ng lalaki na tulungan ang tuta at nang hindi nito maramdaman na wala siyang tirahan o walang taong nagmamalasakit sa kaniya.

Batid ni Ron na hindi niya rin makakayang alagaan at palakihin ang Chihuahua dahil maging siya ay wala ring sariling tahanan. Kung kaya naman para makatulong kahit papaano ay ibinahagi na ni Janes sa social media ang kwentong ito.

Isa sa kaniyang mga kaibigan, si Kathleen Dallmann ang nag-repost nito sa isang local animal lovers page. Ilang oras pa ang lumipas at mayroon nang babaeng nagtungo sa lugar kung nasaan si Ron at ang aso upang ampunin na ang Chihuahua.

Bibigyan pa sana niya ng $50 si Ron ngunit tumanggi ito at sinabing ginawa lamang niya ang kaniyang makakaya upang matulungan ang kawawang aso. Mayamaya pa ay napansin niyang maluha-luha si Ron nang tanungin niya kung bakit ay masayang masaya daw ito dahil sa wakas ay magkakaroon na ng tirahan ang aso, batid niya raw kasi ang pakiramdam nang walang tahanan kung kaya naman masaya siya at hindi matutulad sa kaniya ang Chihuahua.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.