Connect with us

Viral

Isang kawawang tuta ang tinulungan ng isang netizen, pinakain at pinunasan sa matapos ng matinding ulan!

Published

on

Sa panahon natin ngayon, talaga namang napakahirap ang humingi ng tulong sa ibang tao dahil na rin sa pare-pareho tayong nahirapan nitong panahon ng pandemya. Marami sa atin ang nakakahiyaan na ang paghingi ng tulong sa iba dahil talaga namang marami ang nawalan ng trabaho at kinailangan ding magsakripisyo ng matindi upang makaraos nitong mga nagdaang buwan at taon.

Ngunit maliban sa atin ay marami ding mga hayop ang talagang naapektuhan hindi lamang ng pandemya kundi ng mga nagdaang kalamidad. Tulad na lamang ng isang tuta na ito na namataan ng isang netizen sa kalunos-lunos na kalagayan.

Kaawa-awa ang kalagayan nito dahil talagang nanginginig na ito dahil sa sobrang lamig. Bumuhos kasi ng matindi ang ulan sa kanilang lugar kung kaya naman naapektuhan siya ng husto.

Pilitin man niyang magtago at magsumiksik sa isang sulok ay hindi pa rin nagiging komportable ang kaniyang pakiramdam. Wala na ring ibang hayop sa paligid maliban sa kaniya.

Hindi rin makikita ang bakas ng kaniyang amo o ng kahit sinong nagmamay-ari sa kawawang tuta. Buti na lamang at agad siyang tinulungan ng mabuting Samaritano na napadaan at namataan siya sa lugar.


Kinuha siya nito at pinunasan ang kaniyang buong katawan ng tuyong tela. Pinakain din siya nito pagkatapos upang magkaroon ng laman ang kumakalam niyang sikmura.

Sinikap din nilang mapatingin sa beterinaryo ang naturang tuta nang sa gayon ay masigurado nilang ligtas na mula sa anumang panganib ang tutang ito. Umani rin naman ng maraming positibong komento at reaksyon sa publiko ang ginawang pagtulong sa tuta na ito.

Sana ay mas marami pang tumulong sa mga tao at mga hayop na nangangailangan. Lalo na kung mayroon din naman tayong kakayahan na tumulong sa kanila.

Para naman sa mga taong nag-aalaga ng hayop, sana ay mas maging responsable din tayo sa pag-aalaga at pagbabantay sa mga ito.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.