Connect with us

Viral

Isang lalaking online seller, hinangaan ng marami matapos isukat ang paninda niyang gowns dahil na rin sa request ng kaniyang kostumer!

Published

on

Nitong mga nagdaang taon, talagang naging laganap ang pagbili at pagbebenta online. Halos lahat na nga yata ng maaaring maibenta online ay naibenta na ng marami sa atin.

Marami na rin ang nakakaranas ng maling mga size o maling mga orders sa tuwing mamimili sila online. Marahil ito ay dahil na rin sa mga larawan lamang ang kanilang nakikita kung kaya naman inaakala nilang kasya sa kanila ang mga ito o di kaya naman ay talagang maganda ang disenyo ng mga ito sa larawan.

Dahil sa mga pangyayari na ito, nagpakasiguro na ang netizen at online shopper na si Andreea Patriche. Nang makakita kasi siya ng tindahan ng gowns ay hindi siya makapaniwalang mura lamang ang mga paninda dito.

Kung kaya naman agad siyang nag-message sa page nito at nag-request ng ilang mga makatotohanang larawan o iyong mga larawan na suot na mismo. Ngunit hindi niya inakalang lalaki pala ang may-ari ng tindahan ng mga gowns na ito.

Sa kabila nito ay wala namang kaabog-abog at hindi talaga nagdalawang-isip ang lalaki na isukat ang mga paninda niyang gowns para lamang mapagbigyan ang kahilingan ni Patriche.

“I found a shop that sold prom dresses and wedding dresses so I asked for real photos rather than stock photos and the seller sent me these (photos) of him trying them on,” Pahayag ni Patriche.

Talaga namang hindi makapaniwala si Patriche na gagawin ito ng seller lalo na at pambabae ang kaniyang mga paninda. Dahil dito ay talagang ginusto na niyang bumili ng gowns dito hindi lamang dahil magaganda talaga ang mga paninda nito kundi dahil sa pambihirang serbisyong laan nito sa kaniyang mga mamimili.

Tunay nga na sa kabila ng ilang mga hindi magaganda nating karanasan sa pagbili online, mayroon pa rin naman palang mga taong naghahatid ng maganda at pambihirang serbisyo sa kanilang mga kostumer tulad na lamang ng lalaking ito.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media