Connect with us

Viral

Ilang mga manggagawa na umiidlip sa trabaho na may taas na 164 feet habang nakatali sa mga lubid, usap-usapan ngayon ng publiko!

Published

on

Hindi madali ang kumita ng pera. Madalas na natin itong naririnig sa ating mga lolo at lola o di kaya naman ay sa ating mga magulang.

Marami din namang mga trabaho ang may malaking kita habang ang iilan ay mababa lamang ang pasahod. Iba-iba rin ang lugar kung saan tayo nagtatrabaho – maaaring ang iilan sa atin ay nagtatrabaho sa opisina habang ang iba naman ay sa field o sa labas.

Ngunit hindi lahat ng trabaho ay madali at ligtas. Kamakailan lamang ay marami ang nagulat sa kalagayan na ito ng ilang mga manggagawa sa Hunan Province sa China.

Ayon sa ilang mga artikulo, sila ay mga electric workers na nagagawang umidlip sa mga transmission tower na may taas lang naman na 164 feet! Makikita sa ilang mga video at larawan na ang mga manggagawa na ito ay mayroon lamang mga lubid sa kanilang katawan na nakatali sa mga metal beam.

Sa mahimbing nilang pag-idlip ay tila hindi nila alintana ang taas at ang panganib na maaari nilang sapitin lalo na kung mayroong mangyaring hindi maganda. Nagkaroon naman ng iba’t-ibang mga opinyon ang mga netizens patungkol dito.


Marami ang labis na nag-aalala sa kanilang kalagayan at nagkomentong sana ay mas mag-ingat pa sila sa lahat ng oras. Habang marami din naman ang nagtatanong at nagtataka kung paano nila nagagawang makatulog ng payapa sa nakakatakot at mapanganib na lugar na ito.

Mayroon din namang iilang indibidwal ang nagsasabing hindi nila kaya ang pambihirang tapang ng mga manggagawang ito. Kahit pa nga raw malaki pa ang sahod ay hindi nila makakayang magtagal sa trabahong ito lalo na kung ganito kataas at kadelikado.

Madalas nakakapagod na para sa atin ang magtrabaho at hindi na natin nabibigyang-halaga ang ating kalusugan at pangangatawan. Ngunit huwag din sana nating kalimutang mamahinga at bigyang prayoridad ang ating mga sarili.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media