Connect with us

Viral

Isang matapang na aso, inilaan ang buhay para lamang mailigtas ang pamilyang nag-alaga sa kaniya mula sa mapanganib at makamandag na kobra!

Published

on

Marami sa ating mga Pinoy ang certified animal lover. Hindi na nakapagtatakang marami din sa atin ang nagdedesisyon na mag-alaga ng mga pet o hayop tulad na lamang halimbawa ng mga pusa, aso, ibon, hamster, rabbit, isda at marami pang iba.

Hindi lamang kasi tayo natututong maging responsable at disiplinado sa pag-aalaga ng mga hayop na ito kundi talagang mas nagiging makulay at masaya rin ang ating buhay. Nagiging matalik din nating kaibigan ang mga alaga natin at madalas ay talagang nakakawala din ng stress at problema ang mga ito.

Madalas na tayong makakita ng mga hayop at mga pet owners na talagang mayroong magandang ugnayan kahit pa nga magkaiba ang ating mga lahi. Sa katunayan, nakakamangha din talaga ang ilang mga hayop na nagagawang isakripisyo ang kanilang mga sarili para lamang sa kaligtasan ng mga nag-alaga sa kanila.

Tulad na lamang halimbawa ng isang aso na ito na ibinuwis ang kaniyang buhay mailigtas lamang ang buhay ng pamilyang nagmahal at nag-alaga sa kaniya. Nangyari ito sa Barangay Lanao, Kidapawan City.

Kitang-kita sa CCTV footage kung paano nilaban ng dalawang mga Dachshund ang isang makamandag na kobra. Dahil sa dalawang asong ito ay hindi na tuluyang nakapasok pa sa loob ng bahay ang mapanganib na ahas lalo na at mayroon pa palang isang taong gulang na bata roon.


Sa kasamaang-palad ay binawian din agad ng buhay ang Dachshund na si Miley dahil na rin sa venom o kamandag ng kobra na kaniyang natamo nang makipagbuno ito sa ahas. Laking pasasalamat ng kaniyang amo na si Jaime Selim dahil talagang iningatan at prinotektahan ng kaniyang mga alaga ang kanilang tahanan.

Talagang masakit at malungkot sa buong pamilya na nawala na ang isa sa kanilang mga alaga ngunit kailan man ay hinding-hindi nila malilimutan ang ginawang pagsasakripisyo ni Miley para sa kanilang kaligtasan.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media