Connect with us

Viral

Isang asong may dalang hollow block sa kaniyang bibig, usap-usapan ng publiko!

Published

on

Nitong mga nagdaang taon, hindi maipagkakaila na talagang napakahirap ng naging kalagayan ng marami sa atin. Hindi lamang kasi kalamidad at mga sakuna ang ating naranasan kundi nakaranas din tayong magkaroon ng pandemya.

Nagdulot ito ng matinding takot at pangamba sa maraming mga Pilipino. Buong mundo ay talagang naapektuhan ng mga pangyayaring ito. Hanggang sa ngayon ay mayroon pa ring mga karagdagan sa numero ng mga taong nahahawa ng naturang sakit ngunit mas marami na rin naman ang nakakumpleto ng bakuna.

Sa dami ng pinagdaanan natin ay nanatili pa rin tayong matatag at positibo sa buhay. Hindi nawawala ang mga bagay na nakapagpapangiti at nakapagpapasaya sa atin.

Kamakailan lamang ay maraming mga netizens ang natuwa sa larawan na ito ng isang asong may dala-dalang bloke ng hollow block sa kaniyang bibig! Ayon sa post na makikita sa Facebook group na Dog Lovers Philippines, kung halimbawang may bisitang pupunta sa inyong bahay at magtatanong kung nangangagat ba ang inyong aso, ang sasabihin daw ng may-ari ay hindi naman, nambabato lang.

Sa unang tingin ay aakalain mong simpleng aso lamang ito na naglalaro kasama ang kaniyang kapatid na aso ngunit sa malapitan ay mabigat na hollow blocks pala ang dala dala nito! Talagang matatakot ka at iindahin mo ito kung sakaling mabagsak ito sa iyong ulo o sa kahit anong bahagi pa ng iyong katawan.
Maraming mga netizens din ang nagbahagi ng kanilang mga komento ukol dito:

“Kung ganyan makita ko sa daan. Baka hahanap na lng ako ng ibang daan lol,” Pahayag ng isang netizen.

“Pakipost po ang address nyo para iwasan na po ng sambayanang Filipino. Hello there babies… you are still cute and adorable despite of hollow blocks.” Pabiro namang komento ng isa pa.

“Lagot ang mga magnanakaw o akyat-bahay, may bantay na kayang-kayang mangagat ng buong buto o kaya naman hulugan lang ng hollow blocks,” sabi pa ng isa.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media