Connect with us

Viral

Isang batang babae, tinutulungan ang kaniyang amang may sakit gamit ang pambomba ng bisikleta bilang “nebulizer”!

Published

on

Isa na marahil sa problema ng maraming mga bansa ngayon ay ang pagkakaroon ng maayos na sistemang pangkalusugan. Maraming mahihirap na mga Pilipino ang hindi nabibigyan ng pagkakataon makapagpagamot dahil sa wala silang kakayahang pinansiyal.

Madalas ay mas lumalala pa ang kanilang karamdaman dahil dito o di kaya naman ay nasasawi na lamang sila nang wala man lang natatanggap na medikal na atensyon. Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng marami ang kalagayan ng mag-amang ito.

Mayroong karamdaman ang kaniyang ama, kung kaya naman ang anim na taong gulang na si Catherine Cadiente ang siyang nag-aalaga sa kaniyang ama. Ang kaniyang ama na si Tatay Eduarto Cadiente at ang kanilang pamilya ay kabilang sa 25% ng mga Pilipinong nasa “economic poverty”.

Mayroon siyang emphysema at hindi na kaya pang magtrabaho. Nakuha niya ang sakit niyang ito dahil sa matinding pagtatrabaho niya noon noong siya ay bata pa.

Samantala ang kanilang ina na si Nanay Noradia naman ang tanging nagtatrabaho sa kanilang mag-anak. Dahil dito ay sina Catherine at ang kaniyang kuya na si Eduardo Jr. na lamang ang nagsasalitan sa pag-aalaga sa kanilang ama.

Wala silang pambili ng nebulizer dahil sobrang hirap talaga ng kanilang buhay. Dahil dito ay gumawa na lamang sila ng paraan at ginawang nebulizer ang isang pambomba ng bisikleta.

Itinampok ang kanilang mahirap na kalagayan sa documentary show na “Front Row”. Umani ng papuri ang pag-aasikaso at pagmamalasakit ni Catherine sa kaniyang ama.

Kahit sa batang-bata pa ito ay talagang makikita na ng marami kung gaano siya karesponsable. Hindi lahat ng mga kabataan ngayon ay magagawa ang mga bagay na kaniyang ginagawa lalo na at nag-aaral din siya ngayon.

Marami din naman ang umaasa na sana ay mabigyan ng tulong ng pamahalaan o kahit ng pribadong organisasyon ang pamilya nina Catherine upang kahit papaano ay maging magaan naman ang kanilang pamumuhay.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media