Connect with us

Viral

Isang lalaki ang gumamit ng metal detector upang makahanap ng WWII treasure na nakabaon sa gitna ng kagubatan!

Published

on

Marahil noon pa man, madalas na nating naririnig ang “treasure hunting”. Maraming mga tao ang nagbabakasakaling makahanap ng mga kayamanan sa pamamagitan ng pagbubungkal ng lupa o di kaya naman ay pagsubok na pumasok sa mga kweba at iba pa ng lugar na posibleng mapagtaguan ng mga kayamanang ito.

Mabilisan ang pamamaraan na ito lalo na kung gusto talaga ng isang taong yumaman agad. Ngunit matinding sipag at tiyaga din talaga ang iyong kakailanganin upang ikaw ay magtagumpay.

Isa sa pinakasikat na gamit na pang-treasure hunt ay ang mga metal detectors. Madaling makikita ang mga nakabaon na metal sa ilalim ng lupa gamit ito. Madalas ay ginto o di kaya naman ay may antigo o mga lumang bagay ang madalas na makita gamit ang mga detector na ito.

Kamakailan lamang ay mayroong isang lalaki na napabalita dahil sa ginagawa nitong paghahanap ng kayamanan sa gitna mismo ng kagubatan. Hindi piraso ng metal, alahas, o ginto ang kaniyang natagpuan kundi isang motorsiklo na 80 taong gulang na!

Mayroong ilang mga propesyonal sa larangan na ito na nakakahanap ng mga pira-pirasong metal ngunit para sa lalaking ito ay talagang isang buong sasakyan talaga ang kaniyang natagpuan. Ayon sa ilang mga nauna nang artikulo, ang naturang sasakyan ay halos buo pa at pwede pang mapagana.


Tiyak na magkakagulo ang maraming tao kapag nakita nila sa daan ang vintage na sasakyan na ito na talaga namang limpak limpak na salapi na ang halaga sa ngayon. Dinala nila sa pinakamalapit na service center ang motorsiklo kung saan ito nilinis at inayos.

Sa ngayon ay nasa isang museo na ito at patuloy pa rin nilang iniingatan. Bihira na rin kasi talaga ang mga ganitong uri ng mga sasakyan. Kung kaya naman mas makabubuti kung ito ay mapapangalagaan at maiingatan sa naturang museo.

Upang makita rin ito ng mas marami pang mga kabataan at makatulong din sa kanilang pag-aaral patungkol sa kasaysayan.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media