Connect with us

Viral

Isang 70-anyos na lalaki ang nakapagtapos ng 100-meter race sa loob lamang ng 13.47 seconds!

Published

on

Sa Pilipinas, madalas nakikita natin ang ating mga lolo at lola na malungkot dahil wala na silang pinagkakaabalahan sa buhay. 60 taong gulang kasi ang “retirement age” sa ating bansa.

Kung kaya naman sa edad na ito ay madalas na hindi na nabibigyan pa ng pagkakataong magtrabaho ang maraming senior citizens. Ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti namang natutulungan ang ating mga senior citizens patungkol dito.

Maliban sa trabaho ay mayroon ding iilan na talagang nagagawa pang magawa ang mga bagay na madalas ay kaya lamang ng mas bata sa kanila. Tulad na lamang ng lalaking ito.

Marami ang humahanga ngayon sa 70 taong gulang na si Michael Kish matapos siyang manguna asa Penn Relays athletic event na ginanap nito lamang 2022. Natapos niya kasi sa loob lamang ng 14 seconds ang 100-meter dash.

Ang naturang event ay talagang nilahukan ng maraming mga atleta ngunit siya ang talagang nagwagi. Sa kabila ng kaniyang edad na 70-anyos ay nagawa niyang maisakatuparan ang pangarap ng maraming mga kabataang atleta sa ngayon.

Taong 2005 din naman nang masungkit ni Bobby Whilden ang panalo sa 100-meter dash para sa mga lalaking edad 70 taong gulang pataas. Napakarami din ang pumuri sa kaniyang pambihirang performance dahil nagawa niya ito sa loob lamang ng 12.77 seconds.


Ayon sa ilang mga artikulo, 59 taong gulang lamang noon si Kish nang magsimula siyang magkaroon ng interes sa pagtakbo. Nauna na riyan ang New Jersey Senior Olympics. Taong 2018 makilala siya bilang “fastest member of the men’s relay team” sa World Masters Athletics sa Malaga.

Ang video ni Kish habang tumatakbo ng napakabilis ay talagang pinusuan ng maraming mga netizens. Marami din ang nagkomento kung gaano siya kahusay sa larangang ito kahit pa nga siya ay may edad na.

“I don’t even drive that fast,” Komento ng isang netizen.

“These guys at 70 are faster than I ever was,” Pahayag naman ng isa pa.

Sa naturang event ay pumangalawa naman si Don Warren ng Philadelphia na mayroong oras na 14.35 habang ang pumangatlo naman ay si Joachim Acolatse 15.86. Ang oras ni Kish na 13.47 ay mas mabilis pa rin kumpara sa nanalo sa “55-year-old men’s division”.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media