Connect with us

Viral

Isang Thai woman na napakahilig sa kulay pink, usap-usapan ngayon ng maraming netizens!

Published

on

Noon pa man marami sa ating mga Pilipino ang talagang tinuruan na rumespeto pagdating sa kagustuhan at paniniwala ng ibang tao. Kung kaya naman hangga’t maaari ay ayaw nating makialam o magsalita kung mayroon mang kakaibang gusto ang ating mga kaibigan at kakilala.

Ngunit paano kaya kung medyo sobra na ang pagkahilig nila sa isang bagay? Dapat na bang magsalita ang mga taong malalapit sa kanila upang sila ay paalalahanan o hayaan na lamang sila sa kanilang kagustuhan?

Kamakailan lamang ay marami tayong nababalitaan tungkol sa mga taong labis ang pagkahilig sa isang bagay o isang kulay. Tulad na lamang ng isang babaeng ito.

Hindi na nga mapigilan ang labis na pagkahilig ng isang babaeng ito mula sa Thailand sa kulay na pink. Hindi lamang niya kinulayan ng pink kaniyang buong buhay kundi lahat ng nakapaligid sa kaniya ay puro kulay pink na din.

Agosto 2019 pa nang sumikat sa social media ang pink na bahay na ito sa Nonthaburi, Central Thailand. Isa itong malawak at malaking bahay na kulay neon pink sa loob at labas.

Maging ang tiles dito ay kulay pink din. Ang mga kagamitan at kasangkapan sa bahay ay ganoon din. Mayroon ding kulay pink na scooter sa labas ng naturang tahanan kung kaya naman talagang hilig ng may-ari ng bahay ang kulay pink.


Kakaiba man ito para sa nakararami, marami na ring tao sa ngayon ang talagang nahihilig sa kulay na ito. Ilan sa mga kilalang tao na ito ay “The Pink Lady Kitten Kay Sera, Bruna Barbie, gayundin ang Swiss teacher na talagang pinaliligiran ang kaniyang sarili ng mga kulay pink na bagay.

Kung inaakala nating pink lang ang sikat na kulay sa mga taong ito, mayroon ding ibang tao na nakilala dahil sa pagkahilig nila sa iba pang kulay. Halimbawa na lamang ng “Red Lady of Bosnia”, “Green Lady of Carrol Gardens” at si “Miss Sunshine” na mahilig naman sa kulay dilaw.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media