Connect with us

Viral

Isang lalaking nahuli noon para sa kaniyang Math class, aksidenteng na-solve ang dalawa sa Math problems na talagang imposibleng ma-solve ninuman!

Published

on

“Ano ang pinaka-ayaw mong asignatura sa klase?” Marahil kapag ito ang tinanong sa atin tiyak na marami sa atin ang sasagot nang Mathematics, hindi ba?

Tiyak na marahil ang nakaka-relate na noon pa man ay talagang napapakamot tayo ng ulo at napapakunot ng noo sa tuwing susubukan nating mag-solve ng mga Math problems. Ngunit aakalain ba ninyong mayroon palang isang estudyante noon na kahit nahuli sa klase niyang Math ay nagawa pa ring masagutan ang dalawa sa pinakamahirap na Math problems noon?

20 minuto na siyang late sa kaniyang Statistics class. Nang makapasok siya sa kanilang silid-aralan, mayroon siyang nakitang nakasulat sa kanilang pisara kung kaya naman agad niya itong sinagutan sa pag-aakalang ito ay kanilang takdang-aralin.

Noong una ay talagang hirap na hirap siyang makuha ang sagot sa naturang mga Math problems ngunit kalaunan ay nasagutan din naman niya ito. Hindi nga lamang siya sigurado kung tama ang kaniyang mga sagot.

Nang sumunod na araw ay ipinasa niya sa kanilang guro ang kaniyang sagot ngunit laking gulat nito dahil wala naman daw silang naging takdang-aralin. Ang nakasulat daw ay pisara ay dalawang pinakamahirap na Math problems na kahit ang pinakamahusay na Mathematician ay hindi kayang sagutan at i-solve.


Nang sumunod na araw ay pinatawag siya ng kanilang Dean, kinakabahan pa siya dahil baka mayroon siyang nagawang pagkakamali. Ngunit ang hindi niya alam ay ito na ang simula upang makilala siya bilang isang napakahusay na Mathematician!

Siya ay walang iba kundi si George Bernard Dantzig, siya lang naman ang “Father of Linear Programming”. Siya ay nakilala sa dahil sa “simplex algorithm – an algorithm for solving linear programming problems”.

Tunay ngang hindi natin batid ang hinaharap. Walang sinuman ang nakakaalam sa atin kung ano ang mga bagay na posible nating mapagtagumpayan lalo na kung nagsusumikap tayo.

Patunay lamang ito na talagang dapat nating pahalagahan ang ating edukasyon habang tayo ay bata pa.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media