Connect with us

Viral

Ilang mga elepante sa South Africa, naglakbay ng 12 oras para mamaalam sa kanilang naging tagapagligtas noon!

Published

on

Noon pa man, hindi na maipagkakaila na malapit talaga tayo sa mga hayop. Hindi na nakapagtatakang marami sa atin ang nagkakaroon ng mga alagang hayop sa matagal na panahon.

Marami din ang nagulat nang mapabalita ang kakaibang pangyayari na ito kung saan tila nagdesisyon ang ilang mga elepante na magtungo sa lamay ng kanilang tagapagligtas. Nakilala bilang isang elephant whisperer si Lawrence Anthony.

Isa rin siyang environmentalist sa South Africa. Bata pa lamang ay mahilig na siya sa napakagandang kapaligiran kung kaya naman buong buhay niya ay inalay na niya para sa pagprotekta dito. Noong 1990s ay bumili siya ng 5,000 ng lupa sa South Africa at itinayo niya ang lugar na tinawag niyang “Thula Thula: Private Game Reserve and Safari Lodge”.

Nang mga panahong iyon ay mayroong isang national park na inatake ng mga mangangaso at walang mga elepante ang nakawala. Dahil dito ay maraming mga residente ang labis na nangamba para sa kanilang kaligtasan lalo na at ang mga hayop na ito ay itinuturing ding “wild animals”.

Hindi nagtagal at agad ding nagdesisyon si Anthony na siya na mismo ang tumulong sa mga elepanteng ito upang hindi na magdulot pa ng panganib at pangamba sa mga residente. Hindi sana niya nais na dalhin sa Thula Thula ang mga elepante ngunit wala rin naman siyang ibang pagpipilian pa.


Ang Thula Thula ay nangangahulugang “peace and tranquility”, matatagpuan ito sa Zululand, KwaZulu-Natal province sa South Africa. Nang mga panahong iyon ay wala pa siyang gaanong alam kung paano nga ba ang tamang pakikipag-usap sa mga hayop na ito ngunit talagang sinubukan niya at ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya.

Unti-unti siyang lumapit sa mga ito, pabulong at kalmado silang kinakausap, kinakantahan ng mga lullabies hanggang sa kumalma na ang mga ito at tila nakinig na sa kaniya. Matagal tagal ding nagkasama ang mga elepante at si Anthony ngunit noong Marso 2012 ay inatake siya sa puso at nasawi.

Habang nasa lamay ang kaniyang asawa at ilan sa kaniyang mga staff ay nagulat silang makita ang mga elepanteng tila gustong mamaalam sa kanilang dating tagapagligtas sa huling pagkakataon.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media