Connect with us

Viral

Isang rider, binihisan ng protective suit habang nakasakay sa kaniyang paboritong motorsiklo para sa lamay nito!

Published

on

Kung pag-uusapan ang salitang pagpanaw ay talagang marami sa atin ang ayaw pang humantong sa ganito. Marahil ay marami pa kasi tayong mga pangarap na nais matupad o di kaya naman ay mga bagay na iniingatan at hindi natin kayang iwanan.

Sa ngayon, marahil dahil na rin sa pandemyang naranasan natin ng mga nagdaang taon, marami sa atin ang mas nagkaroon ng reyalisasyon sa buhay na talagang napakaiksi lamang nito at kung mayroon man tayong nais gawin ay gawin na natin habang mayroon pa tayong oras. Dahil sa panahong kuhanin na ang buhay na ipinahiram sa atin ng Diyos ay wala na tayong magagawa pa kundi ipaubaya na lamang sa Kaniya ang lahat lahat.

Kamakailan lamang marami ang nagulat sa kakaibang pamamaraan ng pagburol sa isang rider na ito. Tipikal na kasi sa mga Pilipino ang makakita ng napakaliwanag na mga ilaw at kabaong sa isang lamay.

Ngunit para sa pamilya ng isang rider na ito mula sa Puerto Rico, mas ninais nilang sundin ang hilig ng kanilang namayapang kaanak. Ang rider na ito ay nakilala sa pangalang David, noon pa man ay talagang hilig na niya ang pagmomotorsiklo.


Lagi pa nga niyang gamit ang motorsiklong regalo sa kaniya ng kaniyang tiyuhin. Kung kaya naman para sa kaniyang burol ay dinamitan siya ng isang protective suot, nilagyan ng salamin at cap habang tila nagmamaneho ng paborito niyang motorsiklo.

Sa unang tingin ay hindi mo aakalain na siya ay wala nang buhay dahil sa maganda at magaling na pagkakaayos ng kaniyang kasuotan, katawan, at pwesto. Bagamat pumanaw na si David sa edad na 22 taong gulang lamang ay masaya pa rin ang kaniyang mga kaanak dahil kahit sa huling sandali nito sa mundo ay naibigay nila ang bagay na tiyak na makapagpapasaya sa kaniya kahit na siya ay nasa kabilang buhay na.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media