Connect with us

Viral

Tubig-baha na ito sa Japan, para bang isang swimming pool lamang!?

Published

on

Isa sa pinakamatindi at pinakaseryosong problema ngayon hindi lamang ng Pilipinas kundi ng buong kundi ang labis na kalat at basura. Talagang napakarami na nating mga kalat at basura ngayon at hindi na natin malaman kung saan pa ito itatambak o kung paanong pagpoproseso pa ang kaya nating gawin upang maitapon ito ng mas maayos.

Napakarami ding problema ang naidudulot nito, hindi lamang mga sakit kundi pagbaha at marami pang iba. Kung madalas nating problema dito sa Pilipinas ang mga basura at kalat na lumulutang-lutang, sa Japan ay hinding-hindi ito nakikita ng mga residente doon.

Sa katunayan ay nagbahagi ng ilang mga larawan si Yuttana Wangmun sa isang Facebook group. Makikita sa mga larawang ito kung gaano talaga kalinis ang tubig baha sa Japan.

Ang super typhoon na Hagibis ang nanalanta sa kanilang lugar ngunit sa kabila ng matinding pagbaha dito ay wala man lang kalat o basurang palutang-lutang ang makikita sa kanilang lugar. Ayon din sa mga naunang artikulo, ang naturang pagbaha ay dahil lamang sa walang tigil na pag-ulan, hindi dahil sa baradong mga kanal o estero.

Sino ba naman ang hindi nangangarap na manirahan sa napakalinis na bansang ito? Noon pa man ay kilala na ang maraming mga Hapon sa pagiging konserbatibo at pagiging disiplinado.


Makikita ito sa mga simpleng gawain nila sa araw-araw kung saan bawat miyembro ng kanilang pamilya ay mayroong tungkuling ginagampanan. Maayos din ang paghihiwalay ng mga basura at pagtatapon nila ng mga ito araw-araw.

Maging ang koleksyon ng kanilang mga basura at iba pang mga recyclables ay nasa tamang araw at oras din. Kung maaari lamang sanang magawa rin natin ito sa ating bayan, mas magiging maayos ang ating kapaligiran at talagang makakatulong tayo kay Inang Kalikasan.

Mahirap mang gawin sa araw-araw ngunit sikapin pa rin sana natin na maging malinis at maayos sa ating tahanan, sa ating opisina, paaralan at sa ating paligid kahit na walang nakatingin.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.