Connect with us

Viral

Isang guro, nawindang ng husto nang makita ang sagot ng kaniyang estudyante patungkol sa pambansang isda ng Pilipinas!

Published

on

Usap-usapan ngayon ng publiko ang naging pagsagot ng ilang mga kabataan sa mga katanungang tungkol sa ating kasaysayan. Ito ay naitampok sa isang kilalang programa na noon pa man ay talagang sinusubaybayan na nating mga Pilipino.

Dito rin nagsisimulang mga mangarap ang maraming mga kabataan na balang-araw ay magiging maganda rin ang takbo ng kanilang buhay at sisikat din sa larangan ng showbiz. Ngunit napakaraming naging komento ngayon ang publiko kung bakit nga ba hindi nila nasagot ng tama ang mga tanong patungkol sa tatlong paring martir na GomBurZa at ang San Juanico Bridge na itinuturing na pinakamahabang tulay sa Pilipinas.

Ang naging sagot ng mga kabataang kalahok ay “MAJOHA” at “SLEX”. Nakakalungkot mang isipin dahil tila hindi sila naging sigurado sa kanilang mga kasagutan, marami naman ang namulat sa katotohanang tila kailangan na nating mas siyasatin pa ang ating mga sarili.

Bago pa man lumabas ang kontrobersiyang ito ay mayroon nang isang estudyanteng kinagiliwan online dahil nang sagutan naman nito ang kanilang gawain sa eskwela ay mayroon siyang nakakawindang na sagot. Ibinahagi ng gurong si NJ Reyes na talagang napakamot daw siya ng kaniyang ulo nang makita niya ang sagot ng isa s kaniyang mga estudyante patungkol sa pambasang isda ng Pilipinas.

Hindi kasi tulad sa mga aklat na makikita natin ang buong hitsura ng bangus na mayroon pang mga mata at kaliskis, ang iginuhit ng kaniyang estudyante ay “gilit” o tiyan na bahagi ng isda. Marahil ito ang kaniyang paboritong parte ng bangus na prito kung kaya naman ito na talaga ang kaniyang iginuhit.


Wasto naman ang kaniyang sagot dahil bangus naman talaga ang pambansang isda nating mga Pilipino. Ngunit nakakatuwa lang din isipin na napakalawak ng imahinasyon ng mga kabataan at naisip pa din nitong gumihit ng maliit na bahagi lamang nito imbes na buo.

Sino nga ba naman ang aayaw sa tiyan ng isda hindi ba?

 



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.