Connect with us

Viral

Isang batang natumba sa starting line at natapakan pa ng isang kalahok, hindi sumuko at nanalo pa sa naturang kompetisyon!

Published

on

Tayong mga magulang, wala tayong ibang nais kundi ang maging malusog at ligtas ang ating mga anak. Kahit kailangan nating magtiis at magsakripisyo sa araw-araw ay hindi natin ito inaalintana dahil sa ating pagmamahal sa kanila.

Kamakailan lamang ay marami ang bumilib at labis na humanga sa isang batang ito dahil sa kabila ng kaniyang murang edad ay talagang makikita ang hindi niya pagsuko sa kabila ng kaniyang naging karanasan. Makikita sa isang video kung paano natumba ang batang ito habang sakay siya ng kaniyang balance bike.

Matapos nitong matumba ay natapakan pa nga ito ng isa pa sa mga batang kalahok. Sa halip na umiyak, magreklamo, at indahin ang kaniyang mga sinapit ay agad na tumayo ang bata na para bang walang nangyari.

Talagang nagpatuloy siyang muli sa pagmamaneho ng kaniyang munting bisikleta. Maya-maya pa ay unti-unti na siyang nangunguna sa karera kung saan siya ang tinanghal na panalo!

Maraming mga netizens ang talagang natuwa sa ginawang ito ng bata dahil halos lahat ng mga kabataan ngayon ay talagang hindi na magagawang magpatuloy pa lalo na kung naranasan na nila ang mapahiya o ang ilang mga balakid sa buhay. Puring-puri din ang mga magulang ng batang ito dahil sa talagang naturuan nila ng maayos ang kanilang anak.


Kung saan ay mas marami pa sa atin ang matuturuan ding huwag basta-basta sumuko sa buhay, tiyak na mas marami sa atin ang magtatagumpay kahit gaano pa kahirap ang ating mga pinagdaraanan. Tunay ngang wala sa edad ang pagharap sa mga hamon ng buhay.

Sa murang edad pala ay kaya na nating ihanda ang mga kabataan kahit sa mga simpleng pagkakataon lamang tulad nito. Tiyak na marami na silang matututunan at ang mga ito ay tiyak ding magagamit nila hanggang sa sila ay lumaki na at humarap na sa tunay na hamon ng buhay.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.