Connect with us

Viral

Kilalanin si Ajahn Siripanyo, isang bilyonaryong tagapagmana na mas piniling maging isang monghe!

Published

on

“Money makes the world go round.” Madalas na nating naririnig ang kasabihan na ito at talagang marami na rin ang makapagpapatunay na kung marami kang pera ay talagang kayang-kaya mong gawin ang kahit anong bagay.

Ngunit maniniwala ba kayo na mayroon palang isang tao na kayang iwanan at talikuran ang pera at karangyaan para mamuhay bilang isang monghe? Siya ay nakilala bilang si Ajahn Siripanyo, ayon sa Forbes siya ang kaisa-isang anak na lalaki ng Malaysian billionaire na si Ananda Krishnan na mayroong net worth na $5.4 billion!

Ilan sa kaniyang mga kompanya ay telecommunication, shipping lines, at oilfield services. Dahil sa karangyaan ng kaniyang ama ay nagkaroon siya ng komportableng buhay sa kaniyang kabataan.

Lumaki siya sa London at doon nag-aral kasama ang dalawa niyang kapatid na babae. Nakapag-practice din siya ng “journalism” at marunong siyang magsalita ng walong mga lenggwahe.

Ngunit matapos niyang makadalo ng isang “ordination” ay tila nagbago na ng tuluyan ang kaniyang pananaw at paniniwala sa buhay. Nagdesisyon siyang iwanan at talikuran ang lahat, manirahan sa kagubatan bilang isang monghe.

18 taong gulang lamang siya noon nang maranasan niya ito sa Thailand na noon ay inakala niyang “for fun” lang talaga. Mula noon ay hindi na umuwi pa sa kanila si Ajahn kung kaya naman talagang pinahanap siya ng kaniyang ama.

Natagpuan din naman nila ito kalaunan sa isang Buddhist monastery sa Northern Thailand. Nang masilayan ang naging malaking pagbabago sa kaniyang anak ay niyaya niya ito sa isang hapunan.

Ngunit magalang itong tinanggihan ni Ajahn dahil ayon sa kaniya, ang mga monghe ay kailangan manghingi ng makakain. Mula noon ay naging aktibo na sa pagkakawang-gawa ang kaniyang ama.

Sa katunayan ay binigay din nito ang kaniyang blessing kay Ajahn at pinaayos din nito ang isang forest monastery na matagal nang abandonado sa Penang. Mula noon ay wala nang naging balita pa kay Ajahn dahil tulad ng iba pang mga monghe ay hindi talaga ito nagpapakita o nagkokomento sa publiko.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.