Connect with us

Viral

Isang pambihirang aso, nahilig sa pagkanta at pagtugtog ng piano?!

Published

on

Maraming mga nakakamanghang bagay tayo na nasasaksihan sa araw-araw. Mayroong mga bagay na kapupulutan talaga natin ng mga magagandang aral sa buhay habang mayroon din namang mga nakakatuwa talaga at nakatatanggal ng ating pagod.

Tulad na lamang halimbawa ng video na ito ng isang pambihirang aso na tila nag-eenjoy sa pagkanta at pagtugtog ng piano. Likas namang matalino ang mga alaga nating hayop lalo na kung nabibigyan sila ng sapat na atensyon at pagmamahal.

Hindi lamang sila matalino dahil talagang mapagmahal at tapat din sila sa kanilang mga amo. Nakakalungkot lamang na marami pa ring mga hayop tulad na lamang halimbawa ng mga pusa at aso ang inaabandona ng kanilang mga amo o mga tagapag-alaga.

Naiiwanan silang gutom at may sakit sa lansangan hanggang sila ay tuluyan nang bawian ng buhay. Sa kabila ng nakakalungkot na reyalidad na ito ay mayroon pa rin namang responsableng mga fur parents sa ngayon.

Talagang binibigyan nila ng sapat na panahon at atensyon ang kanilang mga alaga. Hindi rin nila pinababayaan pagdating sa pagkain at mga bitamina. Ito marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit mayroong mga hayop na talagang napakabibo.

Tulad na lamang halimbawa ng isang aso na ito na nahuli ng kaniyang amo na nakatayo sa harap ng kanilang piano. Hindi dahil nais lang nitong tumayo kundi dahil kumakanta ito ay tila tumutugtog pa!
Marahil ay ginagawa nito ang kaniyang mga amo na mahilig ding tumugtog ng piano at kumanta sa loob ng kanilang tahanan. Tunay ngang nakakawala ng pagod ang ganitong mga eksena.

Maraming mga netizens din ang pumuri, natuwa, at namangha sa pambihirang asong ito, narito ang kanilang mga naging komento:

“Funniest video ever, he’s really getting stuck into it,” Komento ng isang netizen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Josh McKay (@kydd810)

“I am ready to buy whole year concert tickets of this talented artist.” Pahayag pa ng isa.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.