Connect with us

Viral

Aktres na si Sunshine Cruz, ipinagmalaki sa publiko ang kaniyang kapatid na si Tess na napakaganda pa rin sa edad na 55!

Published

on

Maraming mga kababaihan ngayon ang talagang nalulungkot at nawawalan na ng pag-asa pagdating sa kanilang sarili lalong-lalo na pagdating sa kanilang pangangatawan. Hindi tulad noon na sila ay mga dalaga pa, talagang nagagawa nila ang lahat upang maalagaan ang kanilang kalusugan at pangangatawan.

Kapag kasi naging isang asawa at ina na ang isang babae ay talagang mas nadaragdagan pa ang kaniyang mga obligasyon at responsibilidad. Dahil dito ay mas lumiliit at nawawalan na sila ng oras para alagaan ang sarili nila.

Nakakalungkot dahil ito ang madalas na nararanasan ng karamihan ng mga kababaihan sa atin. Ngunit sa kabila nito ay mayroon pa rin namang iilan na nagagawang mapanatili ang kanilang angking kagandahan at kaseksihan kahit na nga sila ay mayroon nang ilang anak at hindi na rin ganoon kabata.

Tulad na lamang ng nakatatandang kapatid ng aktres na ito. Si Sunshine Cruz ay 44 na taong gulang na aktres at singer. Siya ay miyembro ng isa sa pinakamalaking showbiz clan sa Pilipinas, ang mga Cruz.

Siya ay dating asawa ng batikang aktor at direktor na si Cesar Montano. Nabiyayaan sila ng tatlong mga anak na babae.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ng aktres sa publiko ang napakaganda at napakaseksi niyang kapatid na si Tess. Si Tess ay 55 taong gulang na ngunit talagang kapansin-pansin pa rin kung paano niya naalagaan at napanatili ang kaniyang pangangatawan.

“My sister @tess747 will be 55 in July. I want to be like her when I’m her age. Proud of you Ate! I love you! ” Pahayag ni Sunshine sa kaniyang post.

Ang kaniyang kapatid na si Tess ay mayroon nang anak na dalawang lalaki at kasal din ito nanghalos 24 na taon na. Kahit gaano pa siya kaabala sa trabaho ay sinisigurado niyang palagi siyang nagtutungo sa gym upang mag-ehersisyo.

Tunay ngang nasa lahi din nila ang pagiging maganda at seksi, hindi ba?



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.