Connect with us

Viral

Isang siyam na taong gulang na bata ang nagtatanim ng sarili niyang mga gulay nang halos apat na taon na upang maipangtulong sa mga taong nangangailangan!

Published

on

Si Hailey Ford ay siyam na taong gulang na bata mula sa Washington, USA. Marami na rin siyang natulungan na mga taong hirap sa buhay.

Hindi lamang pagkain ngunit pati masisilungan ay talagang nasimulan na niyang gawin. Apat na taon na ang nakalilipas nang siya at ang kaniyang ina ay magtungo sa isangtindahan kung saan niya nakilala si Billy Ray.

Siya ay isang palaboy na apat na araw nang hindi kumakain. Nang makausap ni Hailey si Billy ay namangha siya sa buhay nito dahil dati pala siyang isang war veteran.

Naputulan siya ng kaniyang binyi kung kaya naman ngayon ay wala na siyang trabaho at wala pang tirahan. Sa edad ni Hailey noon na limang taong gulang ay talagang nakiusap ito sa kaniyang ina kung maaari siyang bumili ng tinapay para kay Billy.

Pumayag naman kaagad ang ina ni Hailey sa kahilingan ng kaniyang anak. Nang mga sumunod pang araw ay marami pang tinulungan si Hailey na mga taong palaboy, walang makain at walang masilungan.


Ngunit nabahala ang kaniyang ina at ipinaliwag sa kaniyang anak na hindi sila mayaman kung kaya naman hindi nila kayang tulungan ang lahat ng taong makikita niya sa daan. Naintindihan naman ito ni Hailey at naghanap siya ng ibang paraan upang makatulong pa rin sa ibang tao.

Ayon kay Hailey, wala man silang pambiling pagkain na maipamamahagi sa mga taong nais niyang tulungan ay kaya naman niyang magtanim ng ilang mga gulay. Bagamat medyo may pag-aalinlangan sa mga magulang ni Hailey kung makakaya ba ito ng kanilang anak ay malugod pa rin nila itong sinuportahan.

Nag-aral ng mabuti si Hailey patungkol sa pagtatanim ng iba’t-ibang mga gulay at prutas hanggang sa naging matagumpay siya sa pagtatanim ng mga carrots, potatoes, at soybeans. Hindi nagtagal at mas marami pa sa kanilang mga kapitbahay ang tumulong at nagbigay ng donasyon sa kaniya dahilan upang mas dumami pa ang kaniyang mga pananim tulad na lamang ng cucumbers, tomatoes, broccoli, strawberries, at lettuce.

Mas marami na siyang natulungan dahil dito. Ngunit higit pa rito ay nagawa din niyang makapagtayo ng 11 mga wooden houses o munting mga tahanan upang hindi na malamigan pa ang mga taong walang masisilungan sa kanilang lugar.

Talaga namang mukha itong munting tahanan na tulong niya rin sa mga kapus-palad.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.