Connect with us

Viral

Kambal na kinailangang paghiwalayin matapos isilang, muling nagkasama makalipas ang ilang linggo!

Published

on

Ang mga kambal daw ay tiyak na mas malapit sa isa’t-isa kaysa sa tipikal na magkapatid. Ito ay dahil nasa sinapupunan pa lamang sila ng kanilang ina ay talagang magkasama na silang lumalaki.

Kamakailan lamang ay nagbigay inspirasyon sa publiko ang mga larawan na ito ng isang kambal na isinilang na “premature”. Ang kanilang mga magulang ay sina Laura Hough at Chris Carey mula sa Walton, England.

Tinapat sila ng kanilang doktor na maaaring hindi makayanan ni Neve ang kasalukuyang kalagayan nito. Ang kaniya kasing placenta ay napinsala kung kaya naman talagang inoobserbahan ng mga doktor ang kaniyang kalagayan.

“They wanted [Neve] to be born at 28 weeks, so they were monitoring her blood flow and since everything was stable they postponed the birth to 30 weeks.” Pahayag ng inang si Laura, 27 taong gulang.

Si Neve ay mayroong kakambal na lalaki, si Louie. Normal naman ang kaniyang kalagayan.

Tumitimbang si Louie ng 1.45 kilo habang si Neve ay 652 grams lamang. Kalaunan ay naging maayos na rin si Neve ngunit ang kaniyang kapatid namang si Louie ang nangailangan ng tulong medikal.

Natuklasan kasi nilang mayroon itong hangin sa baga kung kaya naman kinailangan nila itong mas tutukan pa. Sumailalim sa emergency treatment si Louie hanggang makalipas ang ilang linggo ay pinayagan na silang magkasamang muli ng kaniyang kakambal na si Neve.

Labis ang kagalakan ng kanilang mga magulang nang sa wakas ay nagkasama nang muli ang magkakambal. Makikitang nagyayakapan at tila ba hinahalikan pa nila ang isa’t-isa.

Marahil ay naalala nila ang mga panahong magkasama pa sila sa sinapupunan ng kanilang ina. Bagamat halatang mas malaki si Louie kaysa kay Neve ay ipinagpapasalamat pa rin ng kanilang mga magulang na sa wakas ay ligtas na sila.

“They said they will miss [the twins] when they leave because they need more little fighters like them to continue to inspire them in their work.” Dagdag pa ni Laura.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.