Connect with us

Viral

Isang ama na nagbahagi ng mga milestones ng kaniyang anak na babae, hinangaan ng publiko!

Published

on

Mahalaga sa mga magulang ang makitang masaya at malusog ang kanilang mga anak. Kung kaya naman talagang ganoon na lamang sila magpursige sa kanilang pagtatrabaho.

Sinisikap nilang maibigay lahat ng pangangailangan ng kanilang mga anak dahil nais nilang lumaki sila nang puno ng pagmamahal. Kamakailan lamang ay muling umantig sa puso ng publiko ang kwento na ito ng isang “proud daddy” na talagang ibinahagi ang bawat milestones ng kaniyang anak na babae.

Ang tatay na ito ay nakilala bilang si Ciaran Shannon mula sa Belfast, Ireland. Hindi siya nagdalawang-isip na ibahagi ang bawat milestone ng kaniyang anak na si Niamh.

Mayroon din itong caption na “How it started. How it’s going…” kasama ng tatlong mga larawan nilang mag-ama. Unang larawan ay makikita sina Ciaran at Niamh na magkahawak-kamay habang inihahatid niya ito sa St. Therese of Lisieux Primary School taong 1999.

Todo ngiti rin naman ang kaniyang anak marahil ay nasasabik na ito sa pagbabalik-eskwela. Sa ikalawang larawan naman ay makikita muli ang mag-amang magkahawak ng kamay at sa pagkakataong ito ay ihahatid naman ni Ciaran ang anak sa hayskul.

Ito ay kuha noong taong 2013. Medyo nahihiya man si Niamh ay pinagbigyan pa rin niya ng isang larawan ang kaniyang ama. Taong 2018 naman kuha ang ikatlong larawan nila kung saan magtatapos na siya ng kolehiyo.


Mababakas sa mata ni Ciaran ang labis na kasiyahan dahil sa wakas ay makapagtatapos na ng pag-aaral ang pinakamamahal niyang anak. Nagbago man ang kulay ng buhay ni Ciaran, mas nadagdagan man ang kaniyang edad sa paglipas ng panahon ay hindi naman nabawasan ang pagmamahal niya sa kaniyang anak na si Niamh.

Nakakatuwang makita na sa bawat milestone ng kaniyang anak ay nakasubaybay at nakaantabay si Ciaran. Tunay ngang isa siyang huwarang magulang na nagsisilbing inspirasyon sa mas maraming mga magulang lalo na sa panahon natin ngayon.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.