Connect with us

Viral

Isang mamahaling Arowana, niluto ng misis dahil hindi nilinis ng mister ang aquarium tank ng kaniyang alagang isda!

Published

on

Nitong mga nagdaang taon, marami ang nahilig sa pag-aalaga ng mga hayop at halaman dahil na rin sa pandemya. Marami sa ating mga Pilipino ang naging plantito at plantita at talagang naglalaan ng oras, panahon, at pera nila para sa kanilang mga halaman.

Marami din naman sa atin ang nahilig sa pag-aalaga ng mga hayop na itinuturing din nating pangtanggal stress. Halimbawa na lamang ang mga hayop tulad ng pusa, aso, ibon, rabbit, hamster, at mga isda.

Tunay ngang hindi biro ang pag-aalaga ang ilan sa mga hayop na ito dahil kakailanganin mo talagang maglabas ng pera. Tulad ng pag-aalaga ng mga Koi o Arowana. Ang isang platinum arowana pala ay nagkakahalaga ng $430,000 o mahigit Php22,000,000 bawat isa!

Talaga namang nakakagulat ang presyong ito hindi ba? Ngunit ano nga ba ang iyong mararamdaman kung isang araw ay malaman mo na lang na niluto ng iyong misis ang mamahalin mong alaga?

Ito ang nangyari kay Mia Kurniawan at sa kaniyang mister na mula sa Indonesia. Noong una ay wala namang problema kay Mia ang pagkahilig ng asawa nito sa pag-aalaga ng isda.

Ngunit hindi lang niya talaga gusto na hindi nito nililinis ang kanilang aquarium tank. Isang araw ay pinilit ni Mia na siya na mismo ang maglinis nito dahil talagang hindi maaasahan ang kaniyang mister pagdating sa paglilinis.

Ngunit laking gulat niya dahil bigla na lamang nawalan ng hininga ang Arowana kung kaya naman nagdesisyon na lamang siyang iluto ito. Talagang gulat na gulat at nanghihinayang ang kaniyang mister sa nangyari ngunit wala na rin siyang nagawa pa tungkol dito.

@miakurniawan01 goreng arwana😁#fyp ♬ Singkong & Keju Cover – akhmal.dniel

Para sa kaniya ay mas mahalaga pa rin daw ang relasyon nilang mag-asawa kaysa sa kaniyang mamahaling Arowana. Sa ngayon ay natuto na siya na dapat ay linisin niya ng maayos ang kanilang aquarium tank kung sakaling bibili pa siya muli ng Arowana dahil kung hindi ay maaaring mangyari ulit ang ganitong sitwasyon.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media