Connect with us

Viral

Isang 68 taong gulang na ginang mula sa Cainta, nakapasa sa bar exam matapos ang ikalawang beses niyang pagsubok dito!

Published

on

Madalas nating marinig mula sa ating mga magulang na mahalaga ang edukasyon kung kaya naman dapat talagang magpursige talaga tayo sa pag-aaral. Kahit pa nga mahirap ang buhay at marami sa atin ang talagang maliit lang ang kinikita sa trabaho, hindi ito hadlang upang hindi natin bigayang prayoridad ang ating pag-aaral.

Maging ang edad ay hindi rin hadlang lalo na para sa mga taong mayroong pangarap sa buhay. Tulad na lamang halimbawa ng 68 taong gulang na ginang na ito na sa ngayon ay walang mapagsidlan ng kaniyang kaligayahan dahil siya ay pumasa sa 2020-2021 Bar Exam.

Nagsilbing inspirasyon si Maria Merlie Vitto Soberano-Selda sa maraming mga Pilipino dahil sa kabila ng kaniyang edad ay talagang naroroon pa rin ang determinasyon niyang makamit ang pangarap niyang maging isang abogada. Ibinahagi ng kaniyang anak na si Loren Solas ang kaniyang video sa GMA news kung saan makikita ang kaniyang kaba at pagkabigla nang makita ang resulta ng bar exam.

Talaga namang nagningning ang mga mata ng bagong abogada at napasigaw pa ng “Yes!” nang makita ang kaniyang pangalan sa listahan ng mga nakapasa nito lamang ika-12 ng Abril, 2022. Emosyonal at talagang hindi niya napigilan ang mapaluha dahil sa napakagandang balita na ito.

Proud na proud din naman ang kaniyang buong pamilya sa nakamit na tagumpay ng kanilang pinakamamahal na ina. Taong 2012 pa daw nang magsimulang mag-aral ng abogasya si Merlie.
Bago pa man ito ay naging Top 9 na siya asa 1978 chemistry bar exam kung kaya naman talagang may angkin itong talino at hilig sa pag-aaral.

Ayon din sa anak niyang si Loren ay lifelong dream ng kaniyang ina ang maging isang abogada at saksi siya sa naging pagsasakripisyo at paghihirap nito. Walang pagsidlan ang kanilang kagalakan dahil sa wakas ay ganap na ring abogada ang kanilang ina.

Maraming mga netizens din ang nagpaabot ng kanilang papuri at pagbati kay Atty. Maria Merlie V. Soberano-Selda.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.