Connect with us

Viral

Isang tatlong taong gulang na bata ang agad na nagbukas ng pintuan para sa isang matandang lalaki na magdedeliver ng galon ng tubig!

Published

on

Bata pa lamang tayo, talagang itinuturo na sa atin ng ating mga magulang ang pagiging magalang at matulungin sa ibang tao. Mahalagang-mahalaga kasi ang kabutihang-loob lalo na para sa mga batang lumalaki.

Ngunit sa paglipas ng panahon ay tila parami ng parami ang mga batang nawawalan ng pagmamalasakit sa kanilang kapwa. Buti na lamang at naging huwaran ang tatlong taong gulang na batang ito mula sa Guangyuan, Sichuan sa China.

Isang netizen ang nagbahagi ng ilang mga larawan ng batang ito na dahan-dahang nagbubukas ng pintuan para sa isang matandang lalaking nagdedeliver ng galon ng tubig. Ayon pa sa naturang netizen ay kakagaling lamang ng batang ito sa eskwela nang mga oras na iyon ngunit hindi ito naging hadlang upang hindi niya tulungan ang matanda.

Dalawang galon ng tubig ang bitbit ng matanda kung kaya naman dali-daling tumulong ang batang ito. Maraming mga netizens ang talagang natuwa sa kaniya dahil sa murang edad ay batid na ng batang ito ang pagiging matulungin sa kaniyang kapwa.

“Seeing the little girl’s small figure but pushing the big door, I really feel very touched. I believe that the elderly man, her father, was also moved.” Komento ng isang netizen.

Lingid sa kaalaman ng marami, ang matandang lalaki na may buhat na galon ng tubig ay ama pala ng naturang bata. Mas marami ang humanga at pumuri hindi lamang sa bata kundi sa mga magulang din nito dahil tiyak na sila ang nagturo sa kanilang anak ng mabuting asal na ito.


Kung sana ay mas maraming mga tao ang makakakita ng mga larawang ito, tiyak na mas magiging madali para sa atin ang tumulong sa ating kapwa na nangangailangan ng tulong. Wala sa edad o sa estado ng buhay ang pagtulong kundi nasa puso at nasa intensyon ng isang tao.

Kung kaya naman sa susunod na makakita tayo ng taong nangangailangan ng ating tulong, huwag na sana tayong magdalawang-isip pa at tumulong na lamang tayo ng may ngiti sa ating mga labi.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.