Connect with us

Viral

Isang buffalo ang naghintay sa kaniyang amo bago ito tuluyang pumanaw, halos 26 na taon ding magkasama ang dalawa kung kaya naman talagang naging napakasakit nito para sa amo!

Published

on

Para sa marami sa atin, mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na relasyon hindi lamang sa isang pamilya kundi maging sa ating mga kaibigan at mga katrabaho. Ngunit aminin man natin o hindi ay talagang mahirap ang ganitong sitwasyon lalo na at marami talagang mga taong mahirap pakisamahan.

Ngunit sa kabila nito ay marami pa rin sa atin ang talagang nagpupursige at nagsusumikap na magkaroon ng maayos na relasyon sa mga ito dahil tayo rin naman ang magdurusa kung hindi natin ito pahahalagahan. Kamakailan lamang ay marami ang naantig sa kwentong ito ng isang amo at ng kaniyang alagang buffalo.

Tulad kasi ng marami sa atin ay mayroon din silang magandang samahan. Sa halos 26 na taong pagsasama nila ay naging malapit na talaga sila sa isa’t-isa.

Ang buffalo na ito ay pinangalang Niu Niu ni Liang Ping mula sa Yunlin County, Taiwan. Sa mahabang panahon ay talagang naging magkasama sila sa pagtatrabaho. Ngunit dumating ang panahon na asi Ping ay 75 taong gulang na at matanda na rin ang kaniyang alagang buffalo kung kaya naman kinailangan na niya itong ipadala sa isang Old Cows House sa Tainan.

Napansin ni Ping na tila ba ayaw umalis ni Niu Niu sa kaniyang poder ngunit sinabi nito sa kaniya na wala siyang magagawa dahil pareho na rin silang dapat magretiro. Di rin nagtagal at pumasok na ang buffalo sa truck na siyang magdadala sa kaniya sa bago niyang tirahan.


Makalipas ang ilang araw ay nabalitaan ni Ping na hindi kumakain o umiinom si Niu Niu dahil sa paghihiwalay nilang dalawa kung kaya naman agad niya itong dinalaw. Nang masilayan ni Niu Niu ang kaniyang amo ay tila ba agad na nanumbalik ang sigla at gana nito.

Makalipas pa ang ilang araw at nabalitaan naman ni Ping na mahina na ang kaniyang alaga at hindi na ito makalunok ng pagkain. Dahil dito ay dali-dali na naman siyang pumunta kay Niu Niu at dinalhan niya ito ng makakain.

Magana naman niya itong inubos ngunit nang kinagabihan ay pumanaw na rin ito dahil sa multiple organ failure. Tila ba hinintay lamang ni Niu Niu na masilayan niya ang kaniyan mabuting kaibigan sa huling pagkakataon bago siya tuluyang lumisan.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.