Connect with us

Viral

Isang mahusay na child artist diumano ang nakakita kay Hesus sa kaniyang panaginip kung kaya naman agad niya itong iginuhit upang di niya makalimutan ang napakaganda Niyang mukha!

Published

on

Marahil ay nadinig na ninyo mula sa mga nakatatanda o di kaya naman sa mga namumuno sa sektang ating kinabibilangan na ang bibliya ang isa sa mga paraan upang makausap natin ang Diyos at mangusap din siya sa atin pabalik. Maliban dito ay mayroon ding mga nagpapatunay na sa pamamagitan ng panaginip ay talagang nakakausap nila ang Diyos.

Gaano nga kaya katotoo ang mga ito? Kamakailan lamang ay muling napag-usapan ang naging karanasan ng batang ito na diumano ay nakita na ang Panginoong Hesus sa kaniyang panaginip.

Itinuturing na isang “child prodigy” si Akiane Kramarik. Sa edad kasi niyang tatlong taong gulang ay talagang kamangha-mangha na ang kaniyang talento sa pagguhit.

Minsan na rin siyang naitampok sa “The Oprah Winfrey Show” noong siya ay sampung taong gulang pa lamang. Ayon kay Akiane, ang talento daw niyang ito ay binigay sa kaniya ng Diyos.

Kahit pa nga Lithuanian atheist ang kaniyang mga magulang ay talagang naranasan daw niyang magpakita ang Diyos sa kaniyang mga panaginip! Dahil sa mabilis na nawawala sa kaniyang isipan ang malinaw na imahe ng mga panaginip niyang ito ay agad din niyang iginuguhit ang mga detalyeng ayaw niyang makalimutan.


Tulad na lamang nang minsang magpakita diumano sa kaniyang panaginip si Hesus. Sa edad na walong taong gulang ay natapos niya ang kaniyang obra na tinawag niyang “Prince of Peace”.

“I was so young but started having these visions and impressions of the world. I was just so surprised at the impeccable images I had in my head that I just had to express them in some sort of physical matter,” Pahayag ni Akiane.

Dagdag pa niya sa naging panayam sa kaniya ng CNN noong siya ay 12 taong gulang pa lamang, ang Diyos daw ay “like a bow of light—really pure, really masculine, really strong, and big…His eyes are just beautiful.”

Sa ngayon ay 22 taong gulang na siya at marami na rin siyang naipon dahil sa talento niyang ito. Pangarap niyang balang-araw ay makapagpatayo siya ng ospital sa Africa at matulungan din ang ibang kabataan tulad niya.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.