Connect with us

Viral

Isang pamilyang nakikinuod lamang ng TV sa labas ng kanilang kapitbahay, bigla na lamang pinagsaraduhan ng pinto at bintana!

Published

on

Madalas nating naririnig mula sa matatanda na isa sa mahalagang bagay na dapat nating tandaan ay ang kahalagahan ng edukasyon sa ating buhay. Marami tayong mga dapat matutunan sa ating paglaki at kakailanganin natin ang pumasok sa paaralan upang matutunan ang mga ito.

Iba’t-ibang mga subject ang ating pinag-aaralan kasabay nang pagsasanay nating makihalubilo sa kapwa natin mga estudyante. Tunay nga na napakarami nating natutunan sa ating paaralan.

Ngunit pagdating sa wastong kaugalian at respeto sa ating kapwa, sapat na nga kaya ang nababasa natin sa mga aklat o ang tinuturo ng ating mga masisipag na guro? Hindi ba dapat ding isabuhay natin ito sa araw-araw?

Nakakalungkot isipin na mayroong isang pamilya na nais lamang makinuod ng TV sa labas ng bahay ng kanilang kapitbahay ngunit agad na lamang silang pinagsaraduhan ng mga bintana at pintuan. Sa halip na papasukin sila o hayaan na lamang na makapanuod sa labas ng kanilang tahanan ay ginawa pa nila ang ganitong klase ng hindi katanggap-tanggap na gawain.

Nakakawalang-respeto naman kasi talaga ang tila ba hindi ka ituring na isang tao. Buti pa ang mga alagang aso at pusa ay talagang binibigyang ng matinding atensyon ngunit sa ating kapwa ay hindi natin kayang maging mabuting tao?

Talagang maraming mga netizens ang nagalit sa pangyayaring ito dahil kahit saang anggulo naman daw kasi tingnan ay hindi dapat ito ginawa ng mga tao sa loob ng bahay na iyon sa pamilyang nagnanais lamang sanang makinuod ng TV. Kung natatakot naman sila na baka mayroong masamang gawin ang mga taong ito sa labas ng kanilang tahanan ay maaari naman nila silang kausapin ng maayos at makatao.

Hindi man malinaw ang pagkakakilanlan ng may-ari ng bahay at ng pamilyang ito ay nagsilbi pa rin itong aral para sa mas maraming mga Pilipino na ano man ang edad, hitsura, o estado natin sa buhay ay hindi natin dapat ito gawin sa ating kapwa tao.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.