Connect with us

Viral

Isang lolo ang hindi pumayag na ipamigay ang kaniyang apo sa ibang tao, 13 taon ang lumipas at nakakatuwang na niya ang kaniyang apo sa pagtitinda sa pamilihan!

Published

on

Sa Chiayi County, Taiwan, mayroong isang batang nagngangalang Chen Youan. Siya ay 16 na taong gulang na.

Bata pa lamang siya ay ang kaniyang lolo na ang tumayong magulang nito. Kung kaya naman talagang ginagawa niya ang lahat upang makatulong sa kanila ngayong siya ay malaki na.

Siya ay ikatlong anak ng anak ng kaniyang lolo. Dahil sa pangatlo siya sa kanilang magkakapatid ay nagdesisyon ang kaniyang ina na ipamigay at ipaampon na siya.

Ngunit hindi pumayag ang kaniyang lolo. Siya na mismo ang nag-alaga at nagpalaki kay Chen Youan.

Masipag namang nagtatraho ang kaniyang lolo sa pamilihan upang masuportahan din ang noon ay bata pa niyang apo. Nang si Chen Youan ay tumuntong na ng 13 taong gulang ay nagdesisyon itong magtinda ng bawang at luya sa pamilihan upang makadagdag sa kita ng kaniyang lolo.

Kung maraming mga kabataan ngayon ang mahilig sa mamahaling gadgets at wala na halos ginagawa sa kanilang bahay, nanatili naman masipag at pursigido si Chen Youan para sa kaniyang lolo at lola. Nang minsan siyang tulungan ng isang lokal na opisyal sa kanilang lugar ay sinabi na lamang niyang masaya na siya na palagi siyang pinapakain ng kanilang lolo at lola ng tatlong beses sa isang araw.
Labis labis na raw ang kaniyang pasasalamat dahil dito. Ang tanging hiling lamang ng binatilyo ay ang pahintulutan siyang magtinda sa pamilihan sa kanilang lugar.

Marami naman ang naantig sa kwentong ito ni Chen Youan at ng kaniyang lolo. Narito ang ilan sa mga naging komento ng ilang netizens:

“I have bought garlic from him. The boy is very polite.”

“The best interpretation of the devoted son from a poor family.”

“A dutiful and wise son.”

“I hope the children will be as filial as he is, that kid is really great!”

Tunay nga na hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa sa buhay. Marami man tayong masasakit na karanasan ay marami pa rin naman tayong dapat ipagpasalamat sa buhay.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.