Connect with us

Viral

Isang ama ang gumawa ng isang “wooden tank” para sa kaniyang anak gamit lamang ay isang mini bus!

Published

on

Sa panahon natin ngayon, madalas na nagiging abala ang maraming mga magulang sa pagtatrabaho para sa kanilang pamilya. Kadalasang ang mga ama ang siyang naghahanap-buhay habang ang mga nanay naman ang siyang nag-aasikaso sa mga anak at sa mga gawaing-bahay.

Hindi madali ang ganitong obligasyon at responsibilidad ngunit kinakailangan itong gawin ng mga magulang upang mayroon silang pangsuporta sa kanilang mga anak. Sa kabila ng pagiging abala ng marami sa atin sa pang-araw-araw, nagsilbing inspirasyon naman ang isang ama na ito mula sa Vietnam.

Siya ay walang iba kundi si Truong Van Dao. Gumawa lang naman siya ng isang wooden combat tank para sa kaniyang anak. Ito ay mula sa larong World of Tanks (WoT). Sila ay nakatira sa Bắc Ninh province sa Hanoi, Vietnam.

Medyo may kamahalan din ang kaniyang nagastos upang maisakatuparan niya ang plano niyang ito. Maraming oras din ang kaniyang ginugol upang matapos ang nakakamanghang wooden tank na ito para sa kaniyang anak.


Ang lumang 16-seat minibus niya ay ginawa niyang isang wooden tank na talaga namang nagpamangha sa publiko. Ito ay mayroong replica gun na may habang 2.8 meters. Gumastos din siya ng US$11,000.00 o mahigit 566,000 pesos!

“My son and I find it more fun riding the tank, which has nothing to do with weapons nor war. I only considered it as a normal car, renovated it into a tank to make it more interesting.” Pahayag ng 31 taong gulang na na si Dao.

Nahirapan siyang paganahin o paandarin ang mga gulong ng naturang tangke. Hindi man naging madali ang paggawa niya sa tangke na ito ay masayang masaya naman siya dahil nagustuhan ito ng kaniyang tatlong taong gulang na anak.

Hindi lamang isang plastik na laruan ang nilalaro ngayon ng kaniyang anak kundi isang malaki at gumaganang tangke.

“If all tanks in this world were the same as my tank, there would be no harm, just fun,”



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.