Connect with us

Viral

Hilig ng tandang na ito ang maglangoy araw-araw sa ilog kasama ang kaniyang amo at kaibigang aso!

Published

on

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang isang video na ito kung saan makikita ang tandang na masayang naglalangoy sa isang malawak na ilog kasama ang kaniyang amo. Ito ay sa Harbin City sa Songhua river.

Dahil sa kaganapan na ito ay mas maraming mga tao at turista ang nagtutungo sa naturang lugar upang masaksihan ang nakakamanghang paglangoy ng tandang. Hunyo 26 ganap na ala-una nang hapon nang mamataan ang isang matandang lalaki na nakasuot lamang ng shorts, naglalangoy na mayrooong hawak na tuta at tandang sa magkabila niyang mga kamay.

Nagtungo siya mismo sa Harbin City, 12th Street, Songhua River upang maglangoy. Nang binitawan at ibinaba ng lalaki ang kaniyang alagang tuta ay agad namang naglabas ng kaniyang pakpak ang tandang at agad na tumalon sa tubig!

Agad namang sumaklolo ang matanda sa alaga nitong tandang at inilagay na lamang ito sa isang kapirasong foam. Tinulak-tulak ng matanda ang kaniyang tandang habang ang kaniyang tuta ay kasama niyang lumalangoy sa gitna ng ilog.

Ayon sa isang matandang nakikimasid sa pangyayari, 80 taon na raw siyang nabubuhay ngunit sa tinatagal-tagal ng panahon ay hindi pa siya nakakarinig ng tandang na lumalangoy kung kaya naman ninais niya talagang masaksihan ito. Maya-maya pa ay napansin ng mga taong naroroon na tumalon mula sa lumulutang na foam ang tandang papalayo sa kaniyang amo at kaibigang aso.


Tinawag ito ng kaniyang amo bilang Golden Bo at sinabing bumalik ngunit tila hindi siya nito naririnig. Inutusan naman ng matanda ang kaniyang tuta na lumangoy at puntahan ang tandang.

Nang makita ito ng tandang ay agad niyang sinundan ang kaibigan niyang aso na pabalik na rin sa kanilang amo. Hindi tulad ng ilang mga hayop na mailap at takot sa tao, tila gustong-gusto ni Golden Bo ang atensyon ng marami.

Kahit na kuhanan siya ng larawan o video ay ayos lang sa kaniya at talagang nakahinto lamang ito.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.