Connect with us

Viral

Isang 60 taong gulang na single mother tumulong na mapalaki at alagaan ang dalawang anak ng kaniyang tenant na humaharap din sa matinding pagsubok!

Published

on

Hindi biro ang maging isang magulang. Matinding sakripisyo at pagsusumikap ang kailangan mong gawin para lamang makaraos kayo sa araw-araw.

Hindi maaaring maging tamad dahil mayroon nang buhay na nakadepende sa iyo. Talagang kakailanganin nito ng iyong suporta, kalinga, pag-intindi at pagmamahal.

Kamakailan lamang ay hinangaan ng husto ng publiko ang isang ginang na ito mula sa Taiwan. Siya ay walang iba kundi si Wang Su-zhu.

Siya ay 60 taong gulang na ngunit sa edad pa lang niyang 28 taong gulang ay nagdiborsyo na sila ng kaniyang mister. Naiwan sa kaniya ang dalawa nilang anak na babae.

Nabigyan din siya ng pagkakataon na mag-ampon ng isang anak na lalaki kalaunan. Lumipas pa ang ilang taon at lumaki na ang kaniyang mga anak, nagkaroon na sila ng sarili nilang mga buhay at maayos na mga trabaho.

Isang araw ay hindi inaasahang makausap niya ang isa sa kaniyang mga tenant na nagbabalak na palang kitilin ang kaniyang buhay ng mga oras na iyon. Hiniwalayan daw kasi siya ng kaniyang asawa at wala na rin silang aasahan pa ng dalawa nilang mga anak dahil sa pag-abandonang ginawa nito sa kanila.

Dahil sa awang naramdaman ni Wang Su-zhu ay sinabihan nito ang kaniyang tenant na huwag nang mag-aalala pa dahil siya na ang bahalang tumulong sa kanilang mag-anak. Kung noon ay nagtatrabaho pa siya bilang isang hairdresser, iniwanan niya ito at naging fulltime na lamang sa pag-aalaga ng dalawang anak ng kaniyang tenant.

Talagang napakabigat na obligasyon nito ngunit hindi niya ito alintana. Laking pasasalamat naman ng mga bata na ginawa silang isalba at alagaan ng kanilang itinuturing nang lola.

Kinilala din ng Taiwan Fund for Children and Families’ (TFCF) Yilan branch ang pambihirang pagmamahal na ito ni Wang Su-zhu sa mga bata. Tunay ngang wala sa edad o sa pagiging kadugo ang tunay na pagmamalasakit at pagmamahal dahil ito ay nasa puso at pagkatao ng isang indibidwal.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.