Connect with us

Viral

Muling pagkikita ng isang Chimpanzee at mga caretakers nito na iniligtas siya noong siya ay sanggol pa, umantig sa puso ng publiko!

Published

on

Isang Chimpanzee ang hinangaan ng publiko noon, ang kaniyang pangalan ay Limbani. Sinong mag-aakala na isa pala siyang social media celebrity na mayroong higit sa 711,000 na followers sa Instagram?

Kamakailan lamang ay muli na namang kinagiliwan ng maraming mga netizens si Limbani dahil sa bago nitong video. Sa naturang video ay makikita ang muling pagtatagpo nila ng kaniyang mga naging tagapag-alaga noon.

Sila ay walang iba kundi sina Tania at Jorge Sanchez. Sila ang nag-alaga kay Lambani noong ito ay sanggol pa lamang. Bago pa man mapunta sa Zoological Wildlife Foundation (ZWF) sa Miami si Lambani ay mayroon na itong sakit na pneumonia kung kaya naman ang mag-asawa muna ang nag-alaga sa kaniya.

“Without human intervention and modern medicine he wouldn’t be here today.” Pahayag ng ZWF sa isang interview.

Nang muli silang magkitang tatlo ay talagang naalala pa rin ng Chimpanzee ang kaniyang mga tagapag-alaga noon.
“Tania and Jorge can go without seeing him for a couple of months and his reaction is always the same. Limbani by far is the most loved of the entire ZWF family.” Dagdag pa ng ZWF.

Ang naturang video ay kuha nito lamang Marso kung saan makikita si Limbani na tumatakbo papalapit kay Tania. Sinalubong niya ito ng yakap at pagkatapos ay niyakap din naman niya si Jorge.

Ilang taon man daw ang lumipas na hindi sila nagkikita at nagkakasama-sama ngunit ang pagmamahal nila sa isa’t-isa ay naroroon pa rin. Kahit na nga si Limbani ay isang Chimpanzee ay nagkaroon pa rin sila ng pagkakataon na magkakilala nina Tania at Jorge.

Naging malapit silang magkaibigan at talagang napamahal sila sa isa’t-isa. Tunay nga na wala sa edad o sa uri ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan kundi nasa pakikitungo natin sa isa’t-isa.

Huwag sana nating kalimutan na maging mabuti hindi lamang sa kapwa natin tao kundi maging sa mga hayop sa ating paligid.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.