Connect with us

Viral

Siyam na magkakapatid na namulat sa kahirapan noon, nagawang magpatayo ng kanilang dream house para sa kanilang mga magulang!

Published

on

Buhat nang magpandemya ay marami nang nahilig sa paghahalaman o di kaya naman ay sa pag-aayos ng kanilang mga tahanan. Hindi na nakapagtatakang marami nang mga Facebook group na talagang naging kilala.

Tulad na lamang halimbawa ng Home Buddies. Kamakailan lamang ay marami ang namangha sa kwento na ito ng siyam na magkakapatid.

Ayon sa isa sa kanila, si Sal Calva ay talagang lumaki sila sa hirap ng buhay. Lahat sila ay natuto sa hirap ng buhay na kanilang naranasan. Hirap din ang pamilya sa pagkain nila sa araw-araw ngunit sa kabila nito ay walang reklamo ang magkakapatid.

Batid kasi nilang nagsusumikap ng husto ang kanilang mga magulang. Laking pasasalamat din nila sa pagpapahalaga ng kanilang mga magulang sa edukasyon.

Kahit pa nga talagang mahirap na sa araw-araw ang kanilang pangkain ay hindi pa rin pinababayaan ng kanilang mga magulang ang pagpapaaral sa kanilang magkakapatid. Maliban sa pinagdaraanan nilang ito ay hindi rin nila naranasan na tumira sa isang maayos na bahay noon.

Muli, sa halip na magreklamo ay talagang nagsumikap silang lahat upang matupad ang matagal na nilang pangarap. Ito ay ang maipatayo ang pangarap na bahay ng kanilang mga magulang. Makalipas pa ang ilang taon ay nakapagtapos na silang lahat ng kolehiyo, nagkaroon ng kaniya-kaniyang mga trabaho at pamilya.


Nakapagpundar na rin sila ng kaniya-kaniyang nilang bahay. Ngunit hindi pa rin nila nakakalimutan ang pangarap nilang bahay para sa kanilang mga magulang.

Nakakalungkot lamang na hindi na naabutan pa ng kanilang mga magulang ang bahay nilang ito. Ngunit batid pa rin nilang magkakapatid na masayang masaya ang kanilang mga magulang na nakatanaw sa kanila dahil sa wakas ay natupad na rin ang matagal nilang pinangarap noon.

Nagsilbing inspirasyon ang magkakapatid na ito sa marami pang mga Pilipino. Tunay nga na makakaya natin ang kahit na anong bagay – kahit pa nga sabihin ng ibang tao na imposible – ngunit kung magtutulungan at magsusumikap tayo bilang isang pamilya, tiyak na mangyayari din ang mga ito.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.