Connect with us

Viral

Naging usap-usapan ang kasal na ito matapos mag-request ang bride sa kaniyang groom kung maaari niyang yakapin ang kaniyang dating nobyo sa mismong araw ng kanilang kasal!

Published

on

Nasanay na tayo sa mga magkasintahan noon na madalas ay nag-aaway at hindi nagkakaroon ng magandang paghihiwalay kung kaya naman talagang imposible na sa kanila ang magkaayos pa. Ngunit sa kabila ng napakaraming karanasan natin patungkol sa mga nasirang relasyon, mayroong kakaibang kwento ang bride at groom na ito na talagang gumulat sa publiko.

Mayroon kasing naging kahilingan ang bride sa kaniyang groom. Ito ay ang yakapin niya ang kaniyang dating nobyo! Para sa karamihan sa atin, tiyak na walang groom o bride na papayag kung tatanungin man sila ng kanilang mapapangasawa kung maaari ba nilang yakapin ang dati niyang karelasyon sa huling pagkakataon.

At ito ay hiniling ng bride sa mismong araw ng kanilang kasal! Ngunit ayon sa ilang mga ulat, hindi nagalit o nagtampo ang groom sa kaniyang bride bagkus ay pinayagan niya itong gawin ang kaniyang kagustuhan.

Pagkatapos namang yakapin ng dating nobyo ang dati niyang kasintahan, lumapit ito sa groom, hinawakan ang kamay nito at niyakap din ito. Talaga namang nakakagulat ang ganitong klase ng pangyayari dahil madalas ay puro away na lamang ang ating nababalitaan sa mga ganitong klase ng sitwasyon.

Isang patunay lamang ito na maaari naman palang maging maayos ang lahat sa pagitan ng dating mga magkarelasyon at sa mga taong nagdesisyon na magpakasal. Wala naman dapat maging alitan at wala naman dapat maging pag-aaway sa pagitan ng magkabilang panig.


Tiyak din na naging maayos at masaya din naman ang pagsasama noon ng dating magkarelasyon. Sa ngayon ay gusto na lamang nilang igalang at irespeto ang bagong buhay ng taong dati nilang minahal.

Nagsilbi itong napakagandang aral para sa maraming mga Pilipino na tigilan na ang alitan. Sikapin nating maging mapagpatawag at mapagmahal sa ating kapwa sa abot ng ating makakaya.

Sa paraang ito, tiyak na mas magiging masaya din tayo sa bagong buhay na mayroon tayo kasama ng taong pinili natin at ibiniyaya sa atin ng Diyos.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.