Connect with us

Viral

Isang waitress ang labis na nagpasalamat sa isang mabuting taong nagbigay sa kaniya ng tip na $12,000 lalo na ngayong may mabigat siyang pinagdaraanan!

Published

on

Bawat isa sa atin ay maraming pinagdaraanan sa buhay kung kaya naman hindi tayo dapat maging mapanghusga sa ating kapwa. Hindi natin batid kung gaano kabigat ang kanilang pinagdaraanan.

Halimbawa na lamang ang isang waitress na ito na nakilala natin bilang si Jessica. Siya ay mayroon nang apat na anak ngunit hindi inaasahang nasawi ang kaniyang asawa dahil sa kanser.

Ginusto niya sanang makasama ang kaniyang mister sa huling mga sandali nito ngunit hindi na niya ito nagawa dahil sa kailangan niyang kumita ng pera para sa kanilang pamilya at sa pagpapagamot nito noong nabubuhay pa siya. Ayon sa ilang mga ulat, highschool sweethearts sina Jessica at ang mister niyang si Robert.

Nagkaroon sila ng apat na anak mula nang magdesisyon silang bumuo ng pamilya. Ngunit nagkaroon ng malalang karamdaman si Robert na kumalat sa kaniyang tiyan at baga.

Naging malala ang kalagayan ni Robert kung kaya naman kinailangan siyang dalhin sa ospital na halos 400 miles ang layo sa kanilang tirahan! Sa kabila nito ay sinisikap pa rin ni Jessica na ipagpatuloy ang kaniyang buhay, bilang isang waitress, ina at asawa.

Madalas ay umaalis siya ng bahay ng 4:30 ng umaga at magmamaneho ng 400 miles papuntang ospital. Kapag gabi naman ay hindi na siya nagho-hotel pa para mamahinga dahil sa sobrang mahal nito kung kaya naman sa sasakyan na lamang siya natutulog.


Sa kabila ng matinding pinagdaraanan niya ngayon ay nananatili pa rin siyang matatag para sa kaniyang mga anak. Isang araw sa kaniyang trabaho ay bigla na lamang siyang nakatanggap ng tip sa isang mabuting kostumer.

Ang binigay nitong tip sa kaniya ay $12,000! Talaga namang nagulat siya ng husto dahil malaking halaga rin ito lalo na ngayong siya na lamang ang bumubuhay sa kaniyang mga anak. Laking pasasalamat niya dahil tila ba isang guardian angel ang kostumer niyang nagbigay sa kaniya ng malaking tip.

Tiyak na malaki ang maitutulong nito sa muling pagbangon nila buhat nang mawala ang kaniyang asawa.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.