Connect with us

Viral

Isang lumang storage room, ginawang tiny house na talaga namang nagpabilib sa publiko!

Published

on

Hindi madali ang pagpupundar lalo na sa panahon ngayon. Ilang taon na rin kasi ang pandemya na nararanasan ng maraming bansa sa buong mundo.

Marami nang mga negosyo na napilitang magsara dahil sa pagkalugi at mga empleyadong nawalan ng trabaho. Ngunit sa kabila ng mga pangyayaring ito at mga pagsubok na ating nararanasan sa araw-araw, marami pa rin tayong dapat ipagpasalamat sa buhay.

Lalo na iyong mga “small wins” o simpleng mga bagay na hindi natin inaakalang magiging posible pa pala. Kamakailan lamang ay naging inspirasyon sa maraming mga Pilipino.

Tulad na lamang ng Valeo Tiny House na ito na pagmamay-ari ni Feliz Lucas. Ang dati nilang lumang bodega o storage room ay ginawa nilang isang napakagandang tiny house.

Napanuod nila ito sa isang TV show kung kaya naman sinubukan din nilang gawin at naging napakaganda nga ng kinalabasan. Noong una ay gusto lamang nila itong gamitin sa pagdiriwang nila ng kaarawan ng kanilang anak kung kaya naman hindi na sila nag-aksaya pa ng oras.

Nagsimula sila kaagad na mag-sketch sa likod ng ilang lumang resibo, plinano din nila ang kuryente at “plumbing” ng magiging munti nilang tahanan. Ang tiny house ng pamilya ay mayroong isang maaliwalas na sleeping area at work desk na mayroong vintage feel.

Mayroon ding maliit na kusina at lounge dito. Mayroon namang mid-century at industrial na tema ang kanilang maliit na banyo.

Hindi rin naman nawala ang outdoor area nila kung saan maaari ding mag-enjoy ang kanilang mga bisita. Hindi naging madali para sa kanila ang pagpapagawa ng munting bahay nilang ito ngunit naging masayang masaya naman sila sa kinalabasan.

Hindi nila akalain na magiging napakaganda pala ng kanilang naisip na gawin. Nakatipid din daw sila dahil sa gumamit sila ng mga lumang gamit nila sa bahay at ang iba naman ay binili nila sa mga online shops.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.