Connect with us

Viral

Isang “kababayan” natin sa Finland, hindi ikinahihiya na siya ay isang dumpster diver kahit pa nga madalas siyang nakakatanggap ng pangungutya at panghuhusga mula sa ibang Pilipino!

Published

on

Kung dito sa Pilipinas, mababa ang tingin sa mga nangangalakal, kabaligtaran ito sa ibang bansa. Dahil napakarami nang mga Pilipino sa iba’t-ibang panig ng mundo ang nagpatunay na talagang maraming maidudulot na mabuti ang pangangalakal na ginagawa nila sa ibang bansa.

Maaaring pangangalakal o di kaya naman ay pamamasura ang pagkakakilala natin sa ganitong gawain ngunit para sa mga kababayan natin sa ibang bansa ito ay “dumpster diving”. Ito ay pangangalakal ng mga itinapong bagay sa isang dumpster na maaari pang magamit katulad na lamang halimbawa ng pagkain, damit, gamit at marami pang iba.

Isa na marahil sa mga nagda-dumpster diving si Julie Forsberg Belleza, 36 taong gulang at isang Thai-Finnish. Ang kaniyang ina ay isang Thai habang Finnish naman ang kaniyang ama.

Bagamat walang dugong Pinoy ay lumaki at namulat siya sa kultura at tradisyon nating mga Pilipino kung kaya naman minsan ay nasasaktan pa rin siya sa tuwing makakarinig siya ng panghuhusga o pangungutya mula sa ibang mga Pinoy na nagsasabing nakakahiya ang ginagawa niyang dumpster diving. Sa ngayon ay naninirahan sa Finland si Julie kasama ang kaniyang mister na Pinoy at kanilang mga anak.

Madalas na pagkain daw ang nakukuha niya sa dumpster. Sariling boss niya rin mismo ang nagpakilala sa kaniya noon ng dumpster diving nang banggitin nito sa kaniya na ang isa sa kaniyang mga katrabaho ay ginagawa rin ito at talagang malaki ang natitipid ng kaniyang pamilya lalo na pagdating sa mga groceries at pagkain.

Noong una ay talagang nagtataka at wala rin namang alam si Julie patungkol dito ngunit unti-unti siyang nagsaliksik at pinag-aralan ang dumpster diving sa Finland na hindi naman din ipinagbabawal ng kanilang batas. Mula noon ay sinubukan na niya at talagang natuwa siya sa naging resulta ng kaniyang desisyon.

Sa halip kasi gumastos sila sa pangbili ng kanilang pagkain sa araw-araw ay naitatabi pa nila ang pera na dapat sana ay gagamitin nila para sa mas importanteng mga bagay. Batid din niyang napakaraming mga pagkain ang nasasayang at itinatapon na lamang hindi lamang sa Finland kundi sa buong mundo kung kaya naman kahit papaano ay nakakatulong din siya sa kalikasan.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.