Connect with us

Viral

Isang tenant na binigyan ng mahabang palugit ng landlord upang makabayad ng renta, iniwanang puno ng napakaraming basura ang kaniyang kwarto!

Published

on

Marami na tayong nababalitaan na mabubuting tao na napapahamak dahil sa paggawa nila ng kabutihan. Kung sino pa ang gumagawa ng mabuti ay siya pang napapasama sa bandang huli.

Ngunit sa kabila nito ay marami pa rin namang mga taong gumagawa ng mabuti para sa kanilang kapwa. Tulad na lamang ng isang Chinese landlord na ito na nakilala bilang si Yang Shi mula sa Liyang, Jiangsu, China.

Ang kaniyang tenant ay mayroong utang sa kaniya na 3,000 Chinese Yuan o halos $420. Dagdag pa ni Yang ay binigyan pa niya ng dalawang buwan na libreng renta dahil na rin sa pandemya.

Nawalan ng trabaho ang 20 taong gulang niyang tenant kung kaya naman talagang ninais na niyang makatulong dito. Nang oras na ng singilan ay sinabi naman sa kaniya ng tenant niya na wala pa rind aw siyang pera at nangako siyang sa Mayo na siya magbabayad.

Mayo 14 nang nagtungo si Yang sa kaniyang pinapaupahang kwarto kung saan naroroon ang naturang tenant. Bumulaga naman sa kaniya ang napakaraming bote ng alak na halos na 600 piraso.

Hindi rin mabilang ang mga upos ng sigarilyo na naroroon. Talagang napakalala nang iniwanang kalat nang naturang tenant sa kwarto na kaniyang tinuluyan.

Hindi rin naman akalain ni Yang na ganito ang isusukli sa kaniya ng taong ito. Sa ngayon ay napatawad naman na daw niya ito ngunit dalangin na lamang niya sana ay hindi na niya ito gawin pa sa iba lalo na sa mga taong wala namang ibang nais kundi ang makatulong lang din sa kanila.

Tunay nga na nakakalungkot ng pangyayaring ito para sa landlord na si Yang. Dagdag pa niya ay ito ang kauna-unahang beses na nakaranas siya ng ganitong klase ng tenant.

Sana din daw ay matuto ang marami sa atin na kahit papaano ay matutong magpasalamat sa mga bagay at sa mga biyayang natatanggap natin.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.