Connect with us

Viral

Isang malaking Python ang kumain ng isang porcupine at nasawi makalipas ang ilang araw!

Published

on

Isa na marahil ang mga ahas sa pinakakinatatakutang hayop natin ngayon. Marami na rin tayong naririnig na mga balita patungkol sa mga taong natutuklaw at nasasawi dahil sa tuklaw ng mga ahas na ito.

Kung kaya naman dapat talagang dapat tayong maging maingat sa lahat ng pagkakataon. Sa kabila ng matinding takot natin sa mga hayop na ito ay mayroong isang malaking ahas na natagpuan sa Lake Eland Game Reserve sa KwaZulu-Natal, South Africa.

Nakita ito ng isang siklista roon ngunit ang nakapagtataka ay talagang napakalaki ng tiyan nito! Matapang na kinuhanan ng larawan ng naturang siklista ang ahas na bundat na bundat sa kaniyang kinain.

Ibinahagi niya ito sa social media na naging dahilan din naman upang dumagsa ang mga tao dito kinabukasan. Nagtataka ang lahat kung ano nga kaya ang kinain ng ahas na ito dahilan upang lumaki ng ganoon kalaki ang kaniyang katawan.

Ilang mga staff ng naturang park ang nagdesisyon na buksan ang katawan nito upang malaman kung ano nga ang nasa loob ng kaniyang tiyan. Laking gulat nilang lahat nang makita ang isang porcupine na 13.8 kilo ang bigat!

Bagamat hindi pa sigurado ang staff ng park at ilang mga taong nakasaksi kung ito nga ang dahilan ng pagkakasawi ng ahas, marami din naman ang nagsasabing maaaring ang pagkakalaglag nito sa bato ang dahilan kung kaya ito nasawi kaagad. May mga nakapansin din naman sa ilang mga matutulis na quill o pakpak ng porcupine na nakatusok sa katawan ng ahas.

Talaga namang nakakagulat malaman na ang dahilan pala ng pagkakasawi ng ahas na ito ay ang mismong pagkain niya ng isang malaking hayop! Nakakatakot man ang hitsura ng mga hayop na ito tulad ng nasawing Python ay hindi rin naman natin maipagkakaila na mahalaga rin ang papel nila sa ating kapaligiran.

Kung kaya naman marami pa ring mga organisasyon ang nag-aalaga at nag-iingat sa kanila.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media