Connect with us

Viral

Isang Pinay transgender, ikinasal agad sa kaniyang dayuhang nobyo siyam na buwan lamang matapos ng una nilang pagkakakilala!

Published

on

Sa kabila ng maraming panghuhusga ngayon at pangungutya ng mga tao sa ating paligid. Marami pa rin sa ating mga Pilipino ang talagang nananatiling matatag at positibo sa buhay.

Kamakailan lamang ay naging inspirasyon sa publiko ang kwento ng isang Pinay transgender na ito na nakatagpo ng kaniyang forever sa katauhan ng kaniyang Australianong asawa. Naitampok ang kanilang kwento sa “Bawal Judgmental” ng “Eat Bulaga!”

Ang Pinay transgender ay nakilala bilang si Erica habang ang kaniyang mister naman ay si Danny Elmarsi. Si Erica ay mula pa sa Ilagan, Isabela. Ayon sa kanilang pagsasalaysay ay nagkakilala silang dalawa sa isang dating app.

Makalipas lamang daw ang siyam na buwan ay agad na silang nagpakasal. Maaaring napakabilis nito para sa iilan ngunit sigurado naman daw sila sa isa’t-isa.

Minadali din daw talaga ni Danny ang kanilang kasal upang mas mapabilis ang pagkakaroon ng permanent residency ni Erica. Dahil sa kusang loob itong inihain ni Danny kay Erica, naramdaman ng huli na talagang totoo nga ang nararamdaman nito para sa kaniya.

Kung kaya naman hindi na siya nagdalawang-isip pa.
“Mahal niya talaga ako, ayaw niya akong umuwi kaya he wants to keep me for himself.” Komento ni Erica.

Nang tanungin naman ng host na si Allan K. kung bakit pinakasalan ni Danny si Erica kahit pa nga siya ay isang transgender, ito ang naging sweet niyang sagot:

“She’s nice, she’s beautiful, very caring, when you find the right one, it’s very easy.” Sagot ni Danny.

Sa ngayon ay maganda ang takbo ng kanilang dalawang restaurant business sa Australia. Talagang hands-on ang mag-asawa at pinagtutulungan nila ang mga negosyo nilang ito.

Tunay ngang wala sa edad, sa hitsura, o kasarian ang tunay na pagmamahal. Dahil ito ay desisyon ng dalawang taong tunay na nagmamahalan at pinipiling mahalin ang isa’t-isa sa araw-araw.

Ikaw, nahanap mo na rin ba ang iyong forever?



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.