Connect with us

Viral

Isang career woman ang napamahal sa lalaking ito na nakilala niya lang online, hindi niya lubos akalain na isa pala itong milyonaryo!

Published

on

Sa nagdaang panahon, talagang naging magandang tulong na rin sa maraming mga Pilipino ang pagkakaroon natin ng modernong mga gadget, ang internet, at ang social media. Sa ngayon kasi ay wala nang imposible sa atin.

Kahit anong nais nating gawin ay maaari na nating gawin online. Halimbawa na lamang ay ang pagbili ng ating mga pangangailangan o di kaya naman ay ang pakikipag-usap sa ating mga mahal sa buhay lalo na kung nasa malayong lugar tayo.

Higit sa lahat mayroon ding ilang mga relasyon ang nagtatagumpay kahit na magkalayo ang dalawang taong nagmamahal. Maliban dito ay marami ding nabibigyan ng pagkakataon na magkakilala online at magkamabutihan.

Tulad na lamang ng magkasintahang Nguyen Van Anh mula sa Hanoi Vietnam at si Dang Tuan naman mula sa Russia. Tulad ng isang ordinaryong babae ay maaga ring nagsumikap sa buhay si Van Anh, nawalan siya ng oras at panahon sa pakikipagrelasyon ngunit nang makilala niya si Dang Tuan ay talagang hinayaan na rin niya ang kaniyang sariling magmahal.

Nagkakilala silang dalawa online kung saan nagmensahe si Van Anh na nagnanais sanang magpatulong kay Dang Tuan patungkol sa kaniyang iniidolo. Dito na nagsimula ang kanilang komunikasyon.

Sa loob ng anim na buwan ay nabuo ang kanilang matamis na pagtitinginan at dito na nagsimula ang kanilang nakakakilig na kwento. Sampung buwan din silang nagkaroon ng long distance relationship kung saan nagawa ni Dang Tuan na ilihim sa kaniyang nobya ang tunay niyang estado sa buhay.

Dumating naman agad ang pagkakataon kung kailan hiningi na ni Dang Tuan ang kamay ng kaniyang nobya sa mga magulang nito. Nag-aalala man sila para sa kanilang anak ay pinahintulutan na rin nila ang desisyon ng dalawa dahil sa nakita naman nilang tunay naman ang kanilang pagmamahalan.

Nang naghahanda na silang dalawa para sa kanilang nalalapit na kasal ay noon na lamang nalaman ni Van Anh na ang kaniyang fiancé pala ayu isang mayamang negosyante at general manager ng isang international fashion brand. Isang milyonaryo pala ang kaniyang mapapangasawa!

Ngunit hindi naman ito naging hadlang sa kanilang relasyon dahil naiintindihan din nito ang pinanggagalingan ng kaniyang nobyo na ngayon ay kaniya nang kabiyak.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.