Connect with us

Viral

Isang dalaga mula sa Ilocos Sur na napulot lamang ng pamilyang umampon sa kaniya noon, sinisikap na mahanap ang tunay niyang mga magulang!

Published

on

Kilalang-kilala ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng masaya, malaki, at malapit na pamilya. Noon pa man ay talagang likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging malapit natin sa ating mga kapamilya at kamag-anak.

Madalas pa ngang nagdiriwang tayo ng mga selebrasyon upang magsama-sama at mas magkakilala pa ng husto. Ngunit nakakalungkot isipin na mayroon din palang iilan sa atin na nakaranas ng masalimuot na pangyayari sa buhay kung saan hindi nila nakasama ang sarili nilang pamilya.

Tulad na lamang ng isang dalagang ito sa Ilocos Sur. Marami ang naantig sa kaniyang kwento sa social media na noon ay nawalay siya sa kaniyang pamilya kung kaya naman ngayon ay ninanais na niyang mahanap at makasama ang tunay niyang mga magulang.

Ayon sa mga nauna nang balita, napulot sa Pangasinan si Jadelhyn Calixterio nang siya ay isang taong gulang pa lamang. Natagpuan daw siya ng mga umampon sa kaniya na umiiyak sa bakuran ng isang bahay sa Dagupan noong taong 1997 o 1998.

Hindi na nalaman pa ng mga umampon sa kaniya ang patungkol sa kaniyang mga magulang dahil sa kinailangan ding magtungo ng ginang sa Narvacan, Ilocos Sur kung saan siya lumaki. Ang mabuting ginang na tumulong at kumupkop sa kaniya ang siyang nagparehistro at nagpangalan sa kaniya.


Sa ngayon ay hindi na batid ng nakalakihan niyang mga magulang kung saan ang eksaktong lugar at kung kailan ang eksaktong petsa ng kaniyang pagkawala noon. Samantala, taong 2018 naman nang subukan niyang hanapin ang kaniyang mga magulang sa Pangasinan ngunit nabigo siyang matagpuan ang mga ito.

Sa ngayon ay isa na siyang ganap na midwife at medical student, malayong malayo sa kawawang batang umiiyak mag-isa noon at walang kasama sa isang delikadong lugar. Laking pasasalamat din naman niya sa mga taong tumulong sa kaniya lalong lalo na sa mag-asawang kumupkop sa kaniya ngunit nais niya lamang maging kumpleto ang kaniyang buong pagkatao ngayong siya ay 24 na taong gulang na.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.