Connect with us

Viral

Dating hirap at nakatira lamang sa riles, isa na ngayong matagumpay na negosyante ng siomai na kumikita ng 1 milyong piso kada buwan!

Published

on

Sa hirap ng kalagayan natin sa ngayon, tila ba nakapahirap nang mangarap na balang araw ay giginhawa rin ang ating mga buhay. Sa baba kasi ng sweldo natin ngayon na sinabayan pa ng walang tigil na pagtaas ng mga pangunahing bilihin at gasoline, para bang gusto mong sumuko na lamang talaga.

Ngunit kamakailan lamang ay nagsilbing inspirasyon sa marami ang buhay ng dating riles boy na ito na ngayon ay isa nang matagumpay na negosyante. Siya ay walang iba kundi si Henry Guruta.

Hindi madali ang kaniyang pinagdaanan noon lalo na nang iwanan sila ng kaniyang ina. Ang kaniyang ama at dalawang kapatid lamang ang nakasama niyang lumaki sa riles ng tren.

Kahit sampung taong gulang pa lamang siya noon ay talagang sinikap na niyang magbanat ng buto. Mas naging kumplikado pa nga ang kanilang sitwasyon ng mabuntis ang kaniyang nakababatang kapatid habang ito ay nag-aaral pa.

Kinailangan niyang mas pagbutihin pa ang kaniyang trabaho. Pinagsabay niya rin ang pag-aaral at pagtatrabaho.

Para lamang makapagtapos ng kolehiyo ay talagang nagbenta siya ng kahit anong maaari niyang pagkakitaan. Sa bandang huli ay nakapagtapos rin siya ng kolehiyo dahil sa kaniyang pagsusumikap.


Nang siya ay makapagtapos na ay natungo na siya sa Nueva Ecija kung saan niya nakilala ang kaniyang asawang si Jean. Magkatuwang silang nagtayo ng kanilang negosyo roon. Sinubukan nilang gumawa ng kanilang homemade siomai.

Mayroon silang maliit na pwesto sa tabi ng kanilang bahay kung saan nila unang ipinakilala ang kanilang produkto. Hindi nagtagal ay talagang pumatok at nakilala rin ang kanilang siomai.

Sa ngayon nga ay mayroon na silang 500 mga branches sa buong bansa. Tulad ng ibang mga negosyante ay sinubukan din nilang magtinda pa ng ibang produkto ngunit ang kanilang siomai talaga ang binabalikan ng mga tao.

Dahil na rin sa pagsusumikap ng mag-asawa ay kumikita na sila ngayon ng isang milyong piso kada buwan! Talaga namang walang imposible sa taong may pangarap at sinamahan pa ng sipag at tiyaga.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.