Connect with us

Viral

Isang bata ang nag-iwan ng kaniyang bisikleta sa gubat, 50 taon ang nakalipas at naging sikat itong atraksyon para sa mga turista!

Published

on

Mula nang maging laganap ang mga modernong gadget at internet sa buong mundo, talagang nagkaroon na ng maraming mga magagandang bagay na napapakinabangan natin sa ngayon. Kung dati ay hirap tayong makipag-usap sa mga mahal natin sa buhay na nasa malayong lugar, ngayon ay isang pindot na lamang at makakausap o makikita na natin sila.

Hindi na rin mahirap maghanap ng libro o magsaliksik ngayon lalo na kung para sa ipapasang proyekto o takdang-aralin sa klase. Napakarami nga nating maaaring madiskubre sa internet.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan din ang isang larawan ng kakaibang bagay na ito. “Bike in the tree” kung tawagin ang kakaibang atraksyon na ito.


Diumano ay taong 1914 nang iwanan ng isang bata ang kaniyang bisikleta sa tabi ng isang puno. Ayon pa sa ilang sabi-sabi ay di na ito muli pang binalikan ng bata dahil sa nasawi na ito sa digmaan.

Hindi nagtagal at nagpakilala na rin ang tunay na may-ari ng bisikleta. Siya ay walang iba kundi si Don Puz.

Walong taong gulang lamang daw siya noon nang masawi ang kaniyang ama at matupok sa sunog ang kanilang tahanan. Nagtulungan naman ang kanilang mga kaanak at kapitbahay upang kahit papaano ay mabigyan ng tulong sina Puz.


Nadismaya ang batang si Puz sa natanggap na bike. Kung kaya naman iniwanan niya na lamang ito sa gitna nh kagubatan.

Taong 1995 naman nang minsan ay binisita niya ang isang matalik na kaibigan sa islang dati nilang tinitirahan. Nais niya itong kamustahin sana ngunit nang makarating na siya sa lugar na iyon ay nabalitaan niya ang isang pamosong atrakshon na tinawag ngang “Bike in the tree”.

Makalipas ang 50 taon ay hindi niya akalain na muli niya itong makikita na ngayon ay isa nang ganap na atraksyon. Talaga namang nagulat siya na naroroon pa rin ang kaniyang bisikleta noon.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.