Connect with us

Viral

Isang babaeng turista na bumisita sa Bhutan ng 1 linggo, nahulog at napamahal sa kaniyang tour guide!

Published

on

Nakasanayan na natin ang magbakasyon o di kaya naman ay mamasyal sa tuwing napapagod tayo sa trabaho o sa personal nating buhay. Sa tuwing nagbabakasyon kasi tayo ay tila ba nagkakaroob muli tayo ng panibagong sigla at lakas upang harapin ang buhay.

Kailangan din talaga natin ito upang makapagpahinga at upang maalagaan ang ating pangangatawan. Noon pa man ay hilig na ng Singaporean na ito ang mamasyal.

Siya ay si Karen Lim na ipinanganak sa Australia. Sa ngayon ay nagtatrabaho siya bilang isang digital journalist at editor.

Nagdesisyon siyang magbakasyon nang isang linggo taong 2017 matapos niyang makaranas ng matitinding pagsubok sa buhay. Nagkaroon siya ng interest sa Bhutan matapos niyang mag-medidate dito at mas naengganyo pa siyang subukan ang spiritual healing dito.


Minsan na rin niyang pinagpilian ang India at Nepal ngunit Bhutan talaga ang kaniyang napili noong Agosto 2017. Humiling din siya ng isang senior tour guide upang matulungan siya ng husto sa kaniyang pagbabakasyon.

Ngunit hindi niya lubos akalain na siya na rin pala ang magiging katuwang niya pang-habangbuhay. Talagang napamahal si Karen sa angking kagandahan at katahimikan ng lugar.

Hindi nagtagal at talagang napamahal na rin siya sa tour guide niyang si Ngawang. Nang bumalik na siya sa Singapore ay naramdaman niyang tila naiwanan niya ang kaniyang puso at kaluluwa sa Bhutan.

Sa kabila ng distansiya nila ay nanatili pa rin ang komunikasyon sa pagitan nilang dalawa. Hanggang sa inalok na nga ni Ngawang ng kasal si Karen.

Oktubre nang idaos ang kanilang kasal na mayroong temang Chinese, Western, at Bhutanese. Talaga namang naging napakaganda ng kanilang pag-iisang dibdib.

“We fought to be together despite all the obstacles in our way and will continue to fight side by side. Because we both believe that love is not giving up on each other when times get tough,” Pahayag ni Karen.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.