Connect with us

Viral

Nobyo, nahuli ang kaniyang kasintahan na mayroong katabing ibang lalaki sa kanilang kwarto nang umuwi ito!

Published

on

Sa panahon natin ngayon, marami pa rin sa atin ang naghahanap ng taong makakasama natin habang buhay. Hindi madaling humanap ng taong mamahalin at pagkakatiwalaan natin ng ating puso ngunit marami pa rin sa atin ang sumusugal.

Hindi biro ang pagpasok sa isang relasyon dahil kakailanganin mo talagang maglaan ng oras at panahon upang maging maayos ang inyong pagsasama. Maaaring maraming mga pagsubok ang inyong pagdaanan sa inyong relasyon ngunit nasa sa inyong dalawa na lamang iyon kung paano ninyo ito malalampasan.

Isa sa mga kwentong umantig sa publiko ang ibinahaging karanasan ng netizen na si Duston Holloway. Isang araw ay umuwi siya sa bahay nila ng kaniyang nobya matapos niyang magtrabaho.

Ngunit hindi niya lubos akalain na maaabutan niya ang kaniyang minamahal na mayroong ibang lalaking katabi sa kanilang kama! Talaga namang napakasakit ng ganitong pangyayari at tiyak na galit ang una mong mararamdaman kung ikaw ang nasa kaniyang kalagayan.

Ngunit sa halip na magwala at magalit ng husto ay nagawa pang maging kalmado ni Duston. Nagawa pa niyang kumuha ng ilang mga larawan ng kaniyang nasaksihang pagtataksil ng kaniyang nobya.


Maraming mga netizens din ang nagbigay ng kanilang simpatya at suporta kay Duston. Hindi raw tama at hindi karapat-dapat na patawarin ang kaniyang kasintahan. Mas mainam daw na tuluyan na niyang hiwalayan ang babaeng ito dahil hindi rin naman katanggap-tanggap ang ipinaranas sa kaniya nitong sakit.

Dahil kung talagang minamahal at nirerespeto siya ng babaeng ito ay hinding-hindi ito gagawa ng bagay na maaaring makasira sa kanilang relasyon. Sa ngayon ay maraming mga netizens ang nakasisiguro na mayroon pang mas karapat-dapat na taong matatagpuan si Duston ngayong nakalaya na niya sa maling relasyon na ito.

Nagsilbi ring aral ito sa maraming mga netizens na huwag nang magpakamartir at magpakatanga sa mga taong hindi naman talaga karapat-dapat sa ating pagmamahal.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.