Connect with us

Viral

Isang loyal na aso, umantig sa puso ng publiko nang tahulan at kalmutin nito ang kabaong ng kaniyang namayapang amo!

Published

on

Marami sa atin ang talagang makapagpapatunay na ang iba pa rin talaga ang buhay natin kung tayo ay mayroong mga alagang hayop sa bahay. Halimbawa na lamang ay aso, pusa, ibon, isda, at marami pang iba.

Karaniwan nang malambing ang mga alaga nating aso ngunit talagang kakaiba ang mga hayop na ito dahil kilala sila sa pagiging matapat o loyal sa kanilang mga amo. Halimbawa na lamang ang maliit na aso o tuta na ito sa Brazil.

Toy ang kaniyang pangalan, sa kasamaang-palad ay maagang nasawi ang kaniyang amo ngunit laking gulat ng mga taong nakipaglamay noon dahil sa tila ayaw iwanan ng aso ang kabaong kung saan nakahimlay ang kaniyang amo. Tumatahol ito na tila ba umiiyak at nangungulila asa paglisan ng kaniyang kaibigan.


“He was crying like someone who had lost someone he loved so much,” Pahayag ng may-ari ng punerarya na si Jailson Almeida.

Kalaunan ay napag-alaman na ang babaeng amo pala ni Toy ay walang iba kundi si Dona Luzinete Lopes Diniz. Isang mabait at matandang babae na talaga namang kilala at mahal din ng kaniyang mga kapitbahay dahil sa kabutihan nito.

“It was a show of gratitude and respect he deserves for the person he loves, he doesn’t want anyone to come close to the coffin,” dagdag pa ni Jailson.

Talaga namang marami ang nakapansin sa ginawang ito ng aso na tila ayaw magpalapit ng ibang tao sa kabaong ng kaniyang amo. Hanggang sa huli ay binabantayan at pinoprotektahan pa rin niya ito.

Nakakalungkot lang malaman na wala na ang kaniyang amo ngayon para siya ay alagaan. Noon pa man ay marami na ang nakapansin kung paano mahalin at alagaan ni Dona Luzinete ang kaniyang aso.

Ito marahil ang dahilan kung kaya naman ganoon na lamang ang pagmamahal na ipinapakita ng aso para sa kaniya kahit pa nga wala na siya.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.